Colorum Van Robbery And Holdup Group Strikes Back


Jan 23, 2015 at 6:14 AM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events

Andrew Galleros shares his experience when he rode a van from SM MoA to Jollibee Molino - Paliparan when suddenly someone declared a holdup.

Last year, several cases of robbery and holdup where reported that happened inside public utility vans especially the colorum ones. Again, these criminals strikes back. A Facebook post by Andrew Galleros is now circulating online regarding his scary experience riding a van from SM MoA to Jollibee Molino - Paliparan.

"Guys,

Na holdup po ako kanina pagkauwi galing gym sa MOA. Sumakay po ako ng van from MOA going to Jollibee Molino - Paliparan.

Sa pinakalikod po ako naka pwesto. Paglagpas namin ng Mcdonalds Talaba, bigla na lang naglabas ung katapat ko ng baril at tinutok sa akin at nag deklarang Holdap.

Ibinigay ko naman kaagad ang dala kong bag sa kanya pero hindi niya inaalis ang pagtutok ng baril sa akin. May isa pa siyang kasama sa likod ng van at dalawa sa may gitna. May mga dalang baril at kutsilyo din. Kung susumahin, apat silang andun sa loob ng van.

Kinapkapan kami isa isa ng mga holdaper at sinisiguradong ni singkong duling eh wala sa amin.

Maski ung driver tinutukan din nila ng baril at pinapatay ung radyo ng driver para hindi makapag sumbong sa mga ka-assosasyon nila sa MOA.

Dineretso kami pa Molino Boulevard pero nung malapit na sa Puregold Molino ay nag U-turn ito.

Kumaliwa patungong Niog at lumabas ng Aguinaldo Hi-way. Alam naman nating trapik duon, kaya ang ginagawa sa amin ng holdapers eh sinsabihan kaming huwag kaming pumalag kundi may mamamatay samin. Sinasabihan din kaming yumoko pag madaming tao kahit tinted and sasakyan.

Nais ko man na tingnan kung san at ano na ang binabaybay namin pero katapat ko kasi ang holdaper at nakatutok sa akin ang baril. Nag sabi pa sya na wag kang papalag kundi.. sabi ko naman ay, opo hindi po ako gagalaw, wala po akong ginagawa at tinaas ko lang ang kamay ko. 
Sinabi naman nya na ibaba ko ang kamay ko at baka mangalay ako.

Nanginginig na ako nun sa takot. Payuko yuko ako sa ayaw ko makita na nakatutok sa akin ung baril.

Naririnig ko lang na sinasabi nila na nasa Imus na kami, tapos maya maya ay nasa Rob Imus, SM Dasma, GMA, Carmona, Tagaytay.

Sa usapan nila ay parang nag aabang sila ng mga kasama na magsusundo sa kanila at maililipat nila ang mga gamit dun.

Sa bandang Carmona, sa madilim na lugar ay tumigil ung van. Sinabihan kami na maki-cooperate na lang daw at kapos lang daw sila. Pag walang pumiglas, walang mamamatay. Sinabi din nila na may granada silang dala at pasasabugin nila.

Buntis po ang katabi ko nun at hindi na nya alam ang gagawin nya, nahihirapan syang huminga at sinabi ko na kumalma na lang sya at huminga ng malalalim. Un na lang ang naitulong ko dahil naiisip ko ang bata at ang stress na nagaganap.

Pagtigil ng van, ung lalaking nakatutok ang baril sa akin ay biglang bumaba at inilagay ang mga gamit kasama ang bag ko dun sa naka motorsiklo. Tangay tangay ang CP ko, ATM cards, ID cards, iba pang valid cards. Kasamang natangay ang sapatos na pinagipunan ko at iba pang pang gym na aking ininvest para sa sarili. Lahat lahat, wala silang tinira sa akin.

Pagbaba nung lalakeng iyun at pagbigay nya ng gamit sa kabilang motorsiklo, pinababa niya ung driver at parang pinukpok ang ulo para bumaba sa driver's seat. Ung holdaper na ang pumalit sa pagdadrive.

Muli, nagbiyahe kami. Naririnig ko sa kanila na nasa San Pedro Laguna na kami, napunta sa Binan at Cabuyao laguna. May sinasabi pa na Aplaya Laguna at Brgy San Antonio sa may San Pedro.

Nag simula ang panghoholdap ng 7:30pm. Alam ko kasi un ang huling kita ko sa relo ko bago sya kunin sa akin.

Apat na oras ng nagaganap ang panghoholdap at panghohostage sa min kung maitituturing sya.

Nagpaikot ikot kami na hanggang sa sinabi ng driver na bababa na sila at yumoko na kami para hindi makita ang dinaraanan.

Bumaba silang magkakahiwalay at sinasabing madami pa sila dun at wag kaming gagawa ng mali. May mga motor na nagaantay sa labas para sakyan nila.

Iniwan kami sa may bandang Victoria malapit sa Daang Hari. iniwan pa ang sasakyan na naka bitin na paakyat. So bumaba sila at pinutol ung susi at umaandar din ung sasakyan namin pababa. Mabuti na lang na nahugot at nahila agad ng driver ung handbrake at tumigil ang andar namin pabaliktad kung hindi, mababangga kami sa puno at sa may Hiway.

Maigi at may duplicate ang driver ng van at napaandar nya ito. Pero napansin namin na may nagmamatyag pang isang motor sa amin kaya ang sabi namin ay patayin muna lahat. Inantay naming makaalis ung motor na un saka kami kumaripas sa police station sa may Daang Hari.

May mga iniwan namang gamit ung mga holdaper like mga ids ng ibang pasahero. Pero sa akin, wala. Nakuha nila agad lahat ng laman ng bag ko nung unang bigay pa lang sa kasamahan nila.

Kasamang natangay ay ang Fitness First Bag, Rubber shoes, damit, shorts, at towel. Andun din sa loob ng bag ko ang Samsung S4 ko na dead batt at headset (mind you, hindi ako nagse cellphone pag alis pa lang ng MOA kasi nga deadbatt) at mga Cards like ATM, CC, Intellicare Card, Unified IDs, PRC at Drivers License.

Lahat ata ng pagkatao ko nakuha na.

Buong apat na oras, narealize ko na kahit saan kahit kailan pwedeng may mangyaring masama sayo.

Naalala ko, nag sign off the cross pa ako nun paalis at alam ko nakita ako ng katapat ko na holdaper nun. YUn pala, may masama na mangyayari sa akin.

Narealize ko na hindi pa ako nakakapag paalam ng maayos sa lahat. Buong pangyayari wala akong ginagawa kundi mag dasal at ihanda ang sarili ko kung sakaling mamatay na ako. Ipinagdadasal ko na sana umabot sa mga mahal ko sa buhay ung pagmamahal ko sa kanila at hinding hindi ko sila makakalimutan at ipinapangako kong babantayan ko sila saan man sila magpunta para hindi sila magaya sa akin sakaling mamatay ako.

Lahat na ng Santo, naitawag ko na. Lahat lahat na.

Hindi ko lang talaga lubusang maisip na ilang oras bago ang pangyayaring yun, kasama ko ang momy at dady at mark nun sa bahay at masaya kaming nanunuod lang ng tv about Pope, tas biglang andun na ako sa scenariong yun.

Dumiretso kami sa 3 police station, ayun. Walang naitulong.

Traumatized pa din ako up to now. Hindi ko lam. Pano magsisimula."

 
We advise everyone not to ride colorum vans especially the ones with very dark tints. Those vans are prone to robbery and holdup. So how do you spot a colorum van? Easy. They have regular license plates, they put signages only when they look for passenger and immediately remove it when on the road, they have dark and heavy tints.

Jan 23, 2015 at 6:14 AM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events