Jobert Sucaldito Calls Jessy Mendiola "Primadonna"


Jul 21, 2016 at 5:24 AM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Showbiz

Showbiz reporter and personality Jobert Sucaldito, rant on his Facebook page about his unpleasant experience with FHM Philippines 2016 Sexiest, Jessy Mendiola. "Masyado siyang prima donna" as per Jobert. What happended between the two?

Jobert Sucaldito is known for his feisty and honest comments with showbiz personalities. On his Facebook post, he summarized his encounter with Kapamilya Star Jessy Mendiola during a baranggay/fiesta show in a province outside Metro Manila. According to him:

We're finally back sa Manila. Kahapon pa actually kami dumating nina Pilar Mateo, Julie Bonifacio, Boy de Leon and Dominic Rea. We spent the whole week (July 10-17) sa Carrascal, Surigao del Sur) sa imbitasyon ng napakaguwapo, batam-bata at napakabait nilang mayor na si VJ Pimentel ng nasabing very peaceful town of Carrascal - a 3-hour drive from Butuan Airport. They celebrated their week-long Pahinungod Festival via a very successful and star-studded events from Monday till Saturday. Kami ang personal na nag-asikaso sa mga nagdatingan artists doon - Monday with Jaya, AJ Tamiza and Anton Diva; Tuesday with Michael Pangilinan, Morisette Amon, Boobsie Wonderland and Randy Santiago; Wednesday with Marco Sison, Kyla, Rowel Quizon and Imelda Papin; Thursday with Hale Band and DJ Jennifer Lee; and Friday with napakabait na Sam Pinto, maarte at supladitang Jessy Mendiola, Julie Ann San Jose, Tammy Brown, Pepay and Billy Crawford. Ang Saturday event which was the grand coronation night ng Hiyas Ng Carrascal was organized by our dear friend Arnold Alvarez wherein they invited JC de Vera, Ronnie Liang, Joseph Bitangcol and Venus Raj as guests.

We stayed at LCA Resort pero every dinner time ay doon kami kumakain sa mansion ng mag-amang Gov. BB Pimentel, Jr. and Mayor VJ Pimentel kung saan baha ang pagkain. Bale courtesy call na rin ng mga artists ito sa mga opsiyales ng nasabing bayan. You can feel na fiestang-fiesta talaga kaya nagsipagbundatan kaming lima. Napakabait pa ng mga nag-assist sa aming sina DILG Chief Joseph Urgel and Perry Correos kaya everything run sooo smoothly sa buong stay namin. Every after ng show ay tumatambay muna kami sa Baywalk - the entertainment area ng Carrascal na katabi lang ng stage. Doon kami umiinom at nagkasiyahan.

Nakakaloka dahil feeling namin ay nagsipagtabaan kami sa Carrascal - nasanay kaming mag-breakfast na hindi naman namin nakagawian sa Manila. Normally kasi brunch lang kami - doon, talagang lafang kung lafang. Kasi nga, open kami sa pag-order lang ng food sa LCA Resort dahil napakasarap magluto nitong chef nilang si Erwin - ang badingding na kakilala pala namin dahil he used to work for Gov. Chavit Singson before.

Everyday was fun day - ang medyo stressful lang nang konti was nung first day dahil siyempre, para kang nanganganay pero na-manage namin iyon - ang pinakamalalang naalala namin ay yung Friday event namin. You know why, nabuwisit kami dito kay Jessy Mendiola na sobrang maarte nga pala talaga. Kung papaano namin siya ipinagtanggol when she was being hit sa mga naglalabasang items on her ay nagkamali pala kami. Di pala namin siya dapat ipagtanggol because she showed her real self doon sa Surigao del Sur. Nakakaloka siya. Wala siyang keber - imagine, lima-lima ang dala niyang bodyguards from Butuan to Carrascal - parang Lady Diana or Mariah Carey lang ang peg with matching road manager and another assistant in tow. 8 ang buong entourage niya kaya dapat ay may sarili siyang van na walang ibang kasamang ibang artists. Ha! Ha! Ha! Feeling big star kasi nga nanalo raw sa FHM as Sexiest whatever. Akala niya siguro umaabot ang FHM sa Carrascal na busy sa hanapbuhan nila sa minahan.

Anyway, personal na sinundo siya ni Mayor VJ Pimentel sa Butuan Airport at doon dinala sa mansion - special treatment kumbaga. Pagdating nila sa mansion, personal na inasikaso ni Mayor VJ ang lunch nila pero ang ginawa nitong starlet na ito, dumiretso lang sa room niya and hindi na lumabas. Nagpakuha siya ng food sa kaniyang mga assistants at doon kumain sa kuwarto niya. Lumabas na lang siya bandang 8 P.M. na para sa courtesy dinner sa dining area ng mansion. Pero heavily-guarded siya ng bitbit niyang mga tao at halos hindi magpakuha ng pictures. Kaloka, di ba? Superstar ang feeling niya sa sarili niya.

Nauna kaming tumungo sa venue dahil inayos namin ang sequencing ng program for the night. We decided na mauna si Sam Pinto, then Julie Ann San Jose, then the comic tandem nina Pepay and Tammy, then si Jessy and finale si Billy. Matuk mo, tumawag ang isang assistant niya para sabihin daw sa amin na gusto ni Jessy na siya ang gawing finale. Siyempre, para hindi naman bagay na siya ang gawing finale dahil since fiesta ito, I am coming from a more rightful perspective na ibigay ang portion na ito kay Billy Crawford. Masa ang audience dito - hindi ito nightclub or what. Ayaw pa ba niya nang ganoon - she comes right before Billy? That makes her very important star too. Pero mapilit daw talaga itong si Jessy dahil iyon daw ang usapan nila ng kumuha sa kaniya for the event - na siya ang finale. Kung wala sigurong Billy Crawford, baka puwede pa pero between her and Billy, tanga na lang ang hindi maintindihang si Billy ang dapat ihuli. Billy is much bigger naman compared sa kaniya in terms of stardom.

Doon na ako nagalit - masyado siyang prima donna. Nang makarating sa kanilang galit na galit na ako, tsaka na lang yata nila na-realize na mali sila or what -akala nila ay makakaya nila kaming ilagay sa bulsa nila. Hanggang sa pumayag na raw si Jessy na huwag na siyang mag-finale.

Nakakaloka pala ang babaeng ito. FHM Sexiest pa lang ang title niya nagkaganoon na siya. Punyeta! Kaybilis naman niyang nakalimutan ang kahapon niya - nung panahong kinukuwento niya halos wala silang pambayad ng apartment ng nanay niya. Mula pagdating hanggang pag-alis niya ng Carrascal ay sakit ng ulo ang dulot niya. Isa pala siyang malaking tetano sa events kaya mahirap pala talaga kunin ito sa mga shows. Feeling star at wala sa lugar. Ito ang mga tipong mabilis malaos - walang pakisama. Walang respeto sa host ng tinirhan niyang bahay - ang gusto niya siya ang nasusunod sa lahat. Nahihibang na ba siya? Ang kapal naman ng fez. Pag siya ang nakatuluyan ni Luis Manzano, ano kaya ang magiging relasyon nito kay Vilma Santos? Hindi kaya ingudngod siya ni Ate Vi sa inidoro? Hindi pa nga sikat ganoon na kung umasta - what more pag lalong lumaki ang pangalan nila? Akala namin dati ay mabait na bata ito - isa lang pala siyang magandang mukha. Other than that, ay wala na. Wala na talaga. Nawalan kami ng amor sa kaniya. Never naming kukunin iyan in any event - naku! Kung gusto ninyong sumakit ang ulo ninyo, kunin niyo siya. Kung gusto ninyong atakehin ng high blood, get her. Ang layo-layo ng ugali niya compared to Sam Pinto na akala namin nung una ay supladita - kabaligtaran pala ang ugali nito sa totoong buhay. Napakabait pala ni Sam Pinto - walang ere and very accommodating. Proportioned pa ang katawan unlike Jessy na napakalaki ng balakang at malalaki ang mga binti - she's just a pretty face lang pala talaga. Kung gaano kaganda at kaamo ang mukha nitong si Jessy ay kabaligtaran pala sa totoong buhay. Sino kaya ang bad influence sa buhay ng supladitang Jessy na ito. Nakakahiya siya.

Anyway, our journey sa Carrascal, Surigao del Sur was very fruitful. minus this Jessy issue na ito, it would have been perfect. Hay buhay...

Is this true? Is Jessy showing her true colors already?
 
Source: Jobert Sucaldito

 


Jul 21, 2016 at 5:24 AM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Showbiz