Kid Buys Food At Jollibee Using Money He Got From Alms


Oct 15, 2014 at 9:20 AM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events

"Kanina while having lunch sa Jollibee, may bata na pumasok at dumeretso sa counter. Clearly, isa itong pulubi."

"Pero ang nakakatuwa kasi eh TALAGANG ikakain nya yung nalimos nyang pera. Marami ang natingin sa kanya at obvious na natutuwa. Kahit ako at ang kasama ko ay tuwang tuwa na nakita namin. Omurder sya ng spaghetti with drinks at nagtable malapit saamin kaya nagawan ko syang kuhanan. Maya maya ay lumapit ang isang crew na may dala pang jolly hotdog.(Hindi lang kami sure kung kanino galing ang jolly hotdog) At pilit itinatanggi ng bata ang jolly hotdog, na hindi raw kanya iyon at hindi raw sya ang umorder noon... Hehehe

Kung makakasigurado lng talaga tayo na ang lahat ng batang nanlilimos ay ipangkakain nila ang nalilimos nilang pera, hinding hindi na ako mag aatubileng magbigay."

Image and text by: Ms. Jenivie Mae Dangan


Oct 15, 2014 at 9:20 AM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events