Not All MMDA Officers Are Arrogant And Corrupt, Salute To These Officers


Sep 03, 2015 at 10:15 PM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events

MANILA, Philippines - Most MMDA officers are tagged as arrogant and corrupt officials who extort money from drivers. But on a Facebook post, a netizen shared his experience wherein he praised an MMDA for being understanding.

"I would like to share my experience kanina habang nabyahe sa monumento caloocan. 

(Sept 1 2015, 11am)

Dahil sa mga naglalakihang mga bus at mga truck na nagdaraan galing sa kalye ng monumento circle Nagitgit ako ng konti kung kaya napili kong umiwas sa mga sasakyan kaya naman napunta ako sa left side ng rotonda. Pag lagpas ko ng monumento circle papuntang navotas pinara ako ng traffic enforce na si ROGELIO R. CARDINO at pinatabi sa gilid. Nagtanong kaagad ako kung ano violation ko at ang sabi wala daw ako sa linya. Sinabi ko na nagitgit ako ng mga sasakyan kung kaya napunta ako sa linya papuntang LRT. Pilit sinasabi ng enforcer na mali ang linya ko at dapat sa bungad palang ng circle ay gumilid na ako papuntang kalye ng navotas. Dahil narin siguro sa mahabang byahe sa init at puyat pa galing opisina di ko naiwasan magtaas ng bahagya ng boses pero si manong enforcer cool parin at mahinahong ipinaliwanag ang tamang paraan upang makaiwas sa gitgitan sa daan. Nang kinuha nia ang license ko at makita na taga cavite pa ako bigla sabi niya na: "Wawarningan nalang kita. Taga cavite ka pa pala, isusulat ko nalang yung reminder ko sa resibo ng license mo para di mo malimutan na nagpayo ako sau". Nagulat ako sa sinabi ng enforcer kung kaya naman humingi na din ako ng paumanhin sa pagtaas ng boses. Bago ko maayus ang gamit ko humingi din sia ng paumanhin sa abalang naidulot at naantala pa ang pag byahe ko.

Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang mga taong ganito. Kahit pa may paglabag na sa batas trapiko at napagtaasan na ng boses hindi sia nainis, ni hindi nga hinawakan ang maliit na bag nia para tuluyan na akong bigyan ng ticket, ni hindi bumanat ng mga classic na linya ng ibang traffic enforcer na "aregluhin nalang para di maabala" instead nagbigay pa ng payo kung paano ang tamang parang upang makaiwas sa disgrasya. 
SALUDO PO AKO SA INYO SIR ROGELIO CARDINO NG CALOOCAN TRAFFIC TEAM
Mabuhay ka at naway mahawa mo ang lahat ng kababayan natin nagsisilbi sa gobyerno.

Gustuhin ko man ipaabot ang munti kong pasasalamat naisip kong bigyan sia ng pagkain o malamig na inumin man lang dahil nakababad sila sa ilalim ng init ng araw pero naisip kong maraming cctv sa lugar at may mga tao na maaaring mamisinterpret at sabihin tumatanggap pa sila ng "lagay". Please help me to spread and share this message para makaabot ito sa lokal ng pamahalaan ng caloocan. Sila ang karapat dapat bigyan parangal sa pagiging tapat at mabuting halimbawa. 
Karangalan po ng ating bayan ang mga taong tulad niu. Pagpalain kau at mabuhay!

#‎HindiLahatNgEnforcerSaLagayNabubuhay
#‎MayPagasaPaAngAtingBayan
#‎HindiLahatngNasaGobyernoKurakot
"


Sep 03, 2015 at 10:15 PM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events