[PHOTO] : The Escort Of A VIP On A Van With A Number 7 On Its Plate Arrogantly Told The Driver To Make Way


Jul 24, 2015 at 8:57 PM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events

MANILA, Philippines - On a Facebook post,  a concerned citizen posted a photo about an arrogant escort who budge their car saying that a VIP in a van will pass thru and they have to make way.

"Kaninang umaga,nagmamaneho sa kahabaan ng North Ave.. Mahaba ang traffic! May kulay puti at magarang van ang nasa harap namin,naka "hazzard"ang signal lights.. di ko namalayan na convoy pala?! 

Nagpasya akong lumiko sa kanan at nag signal para mag short cut sa loob Veterans Hospital at maka labas sa Mindanao Ave. Nagulat na lang kami kasama ng aking mga sakay na biglang may nangalampag ng bintana namin sa likod!!! 

Security escort pala nung magarang van! Sumesenyas na lumayo kami at umiwas sa dadaanan nila na tila galit at nagtataboy ng isang hampas lupa?!! Sa pagkaka gitla ko,nag alsa boses ako para tanungin kung bakit nya(yang poging nakatakip ng braso ang mukha) kinalampag ang bintana ng crewcab?! 

Dahil sarado ang bintana ko,nabasa ko lang ang buka ng bibig nya.."VIP yan-Sabay turo sa van! "Eh ano naman pakialam ko?! Sapat n ba yun para mangalampag kayo ng sasakyan ng iba ng walang dahilan?!! 

Nag decide ako na litratuhan ang mokong na escort,yung van pati yung service nilang pick-up at lagpasan ang convoy. Nagulat kami sa aming nadiskubre! 

Naka numero 7 ang plaka nung isang escort sa unahan! Sinong senador kaya ang may ari nung walang modong security escort?! Paano kaya kung ordinaryong motorista lang ang kasabay nila?! Tsk tsk tsk!"

Kayo? Ano ang pasya nyo dito? Di natin masabi kung alam ito ng VIP kaya ang bigyan pansin natin ang mga dakilang escort ng VIP. Bakit nga ba ang mga langaw di naman lahat, kung nakatungtong na sa kalabaw, akala nila para na rin silang kalabaw? Bakit ganun?
"

Source: Pinoy Trending News


Jul 24, 2015 at 8:57 PM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events