SECRET FILE: Alak


Dec 30, 2017 at 2:24 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Share ko lang yung buhay ng kaibigan ko sobra akong naaawa sakanya dahil sa kahayupan ng Ex nya.

Dahil nga magpapasko na gusto naming magsaya kaya naisipan namin mag inom sakanila, kasama namin yung boyfriend nya at pinsan nya.


Inom inom lng kami nung biglang umalis yung bf nya at pagbalik may mga kasama na din na lalaki.

So yun inom pa din kmi ng inom, yung kaibigan ko lasing na sya ganun din yung pinsan nya ako nman hindi pa at alam kong kaya ko pa since medyo malakas nman ako uminom.

Nagtataka lang ako kasi tanung ng tanung sakin yung bf ng kaibigan ko at mga kaibigan nya kung tulog na daw ba yung kaibigan ko hindi nman ang lagi kong sagot kasi nga di pa nman tlga tulog nakahiga lang pero di sya tulog.

Napagkasunduan namin na dun na matulog sa bahay ng kaibigan ko kasi nga madami pa din kming iinomin pero sinundo ako ng bf ko kaya sumama ako.

Iniwan ko sila din pero wala na ung mga kaibigan ng bf ng kaibigan ko.

Pag dating ko sa bahay ng bf ko hindi ako makatulog di ako mapakali tapos magkaaway pa kami kasi nga dahil nag inom ako at parang may mali talaga maling mali.

Pagka gising ko tinawagan ko agad yung kaibigan ko para sana sabihin sakanya na di na ko nakapag paalam na uuwi na ko kasi tulog na sya at baka magtampo.

At yun na nga kwinento nya sakin na naglandian ang bf at pinsan nya at muntik pang may mangyare sakanila.

Naaawa ko sa kaibigan ko di nya deserve to napaka baet nyang tao tinanggap nya ng buo ang bf nya dahil mahal na mahal nya to pero ung actual na makikita nya ung ganun alam kong di na nya kaya pang patawarin ung lalaking un.

Di ko akalain na magagawa nya un kasi maayos nman pakikitungo nya salin pero mas di ko akalain na papayag ung pinsan nya dahil mukha nman syang mabaet nasa loob pala ang kulo nila.

Ngaun sobrang hirap ng nararanasan ng kaibigan ko sa tono ng pananalita nya at sa mga mata nya alam kong nasasaktan talaga sya.

Guys please know your limitation matutong makontento sa isa.

Secret File Sender:

-Kungsanwalaka
-Ategirl


Dec 30, 2017 at 2:24 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files