SECRET FILE: Balik Loob


Mar 29, 2018 at 8:46 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

I was 10 years old ng yayain ako ng Mama ko magsimba sa Born Again unang punta ko palang madami na akong nakilala grabe yung welcome nila sa akin

iba yung pakiramdam mo sa una nagpatuloy ako pero si mama ko hindi na pumupunta kay parang nawalan ako ng gana but my mom tell me that " Ipagpatuloy mo lang wala naman mawawala sayo" so I decide to come in the Church every Friday and Sunday hangang sa nayaya ko yung cousin ko pero nung time na yon di na ako masyadong active because I have a lot of things to do in our school nag stop nanaman ako nag graduate ako ng grade 6 hindi ko alam kung saan ako magaaral kasi mga friends ko sa private tapos ako malabo kasi mahirap lang kami one of the best way to do when I am going this situation is to pray after kung magpray ang gaan ng pakiramdam ko.

Kinabukasan sinabi sa akin ni mama na sa private ako magaaral kaya magpasukat na ako ng uniform thankful ako kasi kahit hindi ako nagsisimba ginagabayan parin ako ni Lord nung una nahihiya pa akong bumalik sa church pero grabe nanaman sila mag welcome kaya ayon naging member ulit ako hangang First year to Third year highschool ako naging matatag ako at nagpatuloy yung tipong excited ako sa bawat event ng church and naging mature ako sa mga kilos ko.

Naaalala ko pa nung Fourt year highschool ako may malaking problema na dumating sa aking life pray ako ng pray kay God na sana malagpasan ko pero bakit parang nadadagdagan ang bilis kung sumuko napasama at nabarkada ako yung tipong umiinom na ako ng alak ng patago isang yaya lang na magyosi kukunin ko agad at grabe ako magsabi ng mga bad words naging grade 11 na ako ng nawalan ako ng connection kay God pero siya ginabayan niya parin ako ngayon ko lang naiisip na maraming beses na akong muntik mamatay pero hindi niya hinayaang mangyari kasi may gusto pa siyang gawin para sa akin mission kumbaga nawalan ako ng oras pra sakanya di ko din akalain na magiging fangirl ako naging OA sa mga artista pero wala naman masama doon lalo na wala kang tinatapakang tao pero di ko alam madami pala akong nasayang na oras para kay Lord hindi ko man magawang magpasalamat at humingi ng tawad sa araw araw isang araw humingi ako ng sign kay Lord pero seriously nahihiya akong lumapit dala ng mga nagawa kong kasalanan feeling ko di na ako nararapat.

Nitong July, Friday 6pm pumunta ako ng bahay ng pinsan ko at buti nalang naabutan ko siya kasi parang aalis siya tinanong ko kung saan siya pupunta sabi niya sa Church may Youth Service niyaya niya ako nung una ayaw ko kasi nahihiya akong bumalik at magpakita kila pastor pero parang may nag sink in sa isip ko na ito yung sign ang magbalik loob sa kanya kahit nahihiya ako tinabi ko muna yon at pumunta ako welcome ulit talaga ako nakita ko din iba kung pinsan at friends habang nag pray pray may napaiyak ako kasi naramdaman ko si God na yumakap sa akin pag nagsisimba talaga ako dito may iba akong nararamdaman puso ko ay kay galak at isip ko ay puno ng aral mula sa kanya naalala ko mga ginawa ko na hindi naman dapat gawin ng mga kabataan na tulad ko pagkauwi ko sa bahay I decided to left the group sa pagiging fangirl ko lahat nagbago dahil may diyos na gagabay sayo at hindi ka ipapahamak Grade 12 na ako and I know dadating yung panahon na magiging successful tayo sa buhay nation kailangan lang natin maghintay at ibibigay ni God yan may mga plano siya sa atin at pangako na mangyayari balang araw.

May mega pagsubok na dumadating sa atin mga kapatid pero si Lord laging nasa tabi natin lagi tayong ginagabayan di sapat ang isang araw para magpasalamat sa ginawa niya kaya ibigay mo na yung the best na pagpupuri para sa kanya. Godbless you all #Blessed #LFJChurch

SECRET FILE SENDER:

JMN


Mar 29, 2018 at 8:46 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files