SECRET FILE: Demons In My Neighborhood


Sep 15, 2018 at 11:21 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

5 years old ako that time, so ayun, larolaro days. Puro lalaki ang kalaro ko.

 

Then one day kami lang dalawa nung kapitbahay namin sa bahay nila. His name is Darwin. Classmates kami sa daycare. So ayun kami lagi ang mag kasama after school. Tas ayun nanga, hindi ko na matandaan yung exact reason kung bakit namin ginawa yun. Di Hinawakan nya ako sa part ko at ako rin ganon, nag kiss din. Tas nakita kami nung Papa nya na ginagawa yun. So ayun pinag layo na kami.

Fast forward
Elementary days i was in grade 2 Di pa uso ang service nun kaya naglalakad lang kami papuntang school nakikisabay ako sa magkapatid kong kapitbahay, Si Jay at John. Bukid yung dadaanan namin para makarating ng school. Tapos one day, tinakot nila ako, hindi daw nila ako isasabay kung di ako mag papakiss, di ako pumayag nagtatakbo ako.

Hinabol nila ako naabutan nila ako pero kumakawala pa din ako, ano bang laban ko sa grade 5 at 6 na lalaki, nung nakarating na kami sa may mga bahay bahay may nakita akong tao tas nagsumbong ako habang umiiyak, nag deny sila sabi nila naglalaro lang daw kami, kamalasan ko walang pakeelam yung pinagsumbungan ko. Tas ako sumisigaw umiiyak hangang sa makarating na ako sa tapat ng bahay nila mauuna kasi bahay nila kesa samin. Hinila nila ako sa may pader hawak nila ako. Tas kiniss. Nung nagkaroon ng chance nakatakas ako, wala palang tao sa bahay nun. Nagkulong lang ako hangang sa dumating di nanay, pero di ako nakapag Sumbong. Sabi ko may umaway lang sakin.

fast forward
Grade 3 na ako still isip bata pa din. May kapit bahay kami na magasawa wala silang anak so naging malapit sila sakin, mabait naman sila yung asawa nya palagi akong may pasalubong pag uuwi galing trabaho,

Tas one day, Tinawag ako nung lalaking walang anak sabi nya kunin ko daw yung pasalubong sa kwarto nila. So ako naman takbo agad dun, sumunod sya tas umupo sa kama nila. Tas pinakandong nya ako sakanya, sabi nya pa "May pera KABA?" "Pag wala kang baon hihingi ka kay mami olga mo ha. sabihin mo ako ang may sabi." Tangna. Hayop yung last na sinabi nya di ko Makakalimutan. "Basta wag ka magsusumbong kahit kanino aa." Tas kiniss nya ko sa pisngi, naka hawak sya sa legs ko natulala lang ako nung ginawa nya yun, tas bigla ako tumakbo ng walang tsinelas pauwi samin.

Tulog ang mga kasama ko sa bahay, naglock ako ng pinto tapos nagpunta ako ng CR. Dun lang ako naka tulala, tas naririnig ko pa sya sumunod sakin tumatawag sa labas ng bahay, 3 hours ako nakatulala, hangang sa magising di ate ko nakita tas tinanong nya ano daw ginagawa ko dun, tas dun palang ako umiyak ng umiyak. Hindi namin pinaalam kay Tatay ying nangyari kasi baka magkagulo pa. Tas simula non di na ako palalabas ng bahay, Di na sya naawa o nakunsensya sakin, hangang ngayon araw araw padin akong binabangungot sa mga demonyong nakapaligid sa bahay namin. Hindi ko na alam gagawin ko sobrang bigat na. Ang sakit sakit na gusto ko nang sumabog.

SECRET FILE SENDER:

MJ

Tags :
secret

Sep 15, 2018 at 11:21 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files