SECRET FILE: For Baby Ynoc


Sep 15, 2018 at 11:25 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Hi Bybyco! Kumusta ka na? Okay ka lng ba?

Sorry na kung minahal kita ng sobra, at nasaktan ako ng sobra. Pero hindi mo naman kasalanan kung nasaktan ako dba? Kasalanan ko ksi umasa ako na magugustuhan mo ako. Sorry kung minsan nasasabihan kita ng masasakit na salita sa harap ng mga barkada ko. Ikaw nman ksi napaka feelingero mo at minsan nagagalit na'ko ksi minsan masakit na. Ikaw ang dahilan kung bakit plagi akong bumibili sa canteen tuwing recess time, gusto ko ksing mkita ka araw-araw at masilayan kang ngumiti.

At yung araw na sinabihan mo'ko ng 'I Love You' kinilig ako pero nangibabaw parin ang sakit dahil alam kung hindi iyon totoo. Masakit sa damdamin na sa oras na yon ay may nagmamay-ari na sayong isang magandang babae. Isang magandang babae na mahal mo. Napaka sweet nyo pa nga nung nagde-date kayo sa gilid ng maliit na puno. Masaya ako ng maging kayo dahil may magpapasaya na sa taong mahal ko. Kahit siya, kahit hndi ako. Oo ngseselos ako pag mgkasama kayo, pero ano nga bang magagawa ko? Wala nmang tayo.

At oo pagsobra na akong nagseselos sinasabihan ko kayong 'Maghihiwalay din kayo' pero dala lng yun ng pgseselos ko. Ano nga bang karapatan ko? Siya ang mahal mo at hndi ako. Pero naging masaya nman ako nung inaccept mo 'ko sa facebook. Alam mo bang ang saya-saya ko nung gabing yon. Kasi yun lng ang hinihiling ko na mapansin mo 'ko, kahit sa facebook lng.

At nung chinat mo 'ko, ang saya-saya ko din nun. Kasi napansin mo rin ako ng tuluyan. Pero umiyak ako nung e-unfriend mo na ako nang dahil lng sa naghiwalay na kayo ng babaeng mahal mo. Alam mo mahal ko hanggang ngayon mahal parin kita, kahit pinag-titripan mo 'ko at nakakasakit kna.

Mahal ko kahit alam kung hindi mo masusuklian ang pgmamahal na ibinigay ko sayo, okay lng! I love you mahal ko kahit alam kung hndi mo sasagutan ng 'I love you too'. May kasabihang 'If u love someone, set him free' kaya hahayaan na kitang maging masaya sa piling ng iba. Kung sino man ang bago mo ngayon pakisabi alagaan ka at huwag kang sasaktan. Mahal ko sana mabasa mo 'to.

Ginawa ko 'to para sayo. Sige mahal ko, hanggang dito nlg at lagi mong tatandaan na hinding-hindi kita mkakalimutan dahil kahit nasaktan ako, nag enjoy at sumaya nman ako nang mkilala kita".

SECRET FILE SENDER:

Kulot from Davao City

Tags :
secret

Sep 15, 2018 at 11:25 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files