SECRET FILE: I'm In Love


Mar 29, 2018 at 6:03 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Sa taong 'iniwan' ka na..

 


Yah yah yah!! Kumbaga EX mga seb! Si Minmin (di niya tunay na pangalan)..

So eto na nga.. First year college (same course) naging kami.. Sa room namin kami ang couple of the year..

Boto ang mga kaklase ko sa aming dalwa at dahil nga dun medyo sweet kami sa umpisa este sa isa't isa..

Shempre hindi mawawala ang problema mga simple lang naman..

Pero ang pinaka masakit eh yung nanligaw siya sa best friend ko..

Ilang beses din yun mga seb..

At dahil nga may utak ang best friend kong yon..

Di niya sinagot..

Kaso ang sakit eh..

Ang sakit sakit mga seb..

Halos 1 year na tayo kaso bigla kang nagkaganyan..

Kahit nahuhuli ko silang nag haharutan sige lang!!

Tapos pasukan na naman..

Nagsisisi na siya.

Yung nararamdaman ko sa kaniya..

Natakloban ng galit..

Kahit nag mamakaawa na siya sa harap ko..

Kahit naiyak na siya..

Hindi ko siya pinansin..

Tanga na ba ako nun??

Nasaktan ako eh..

Bobo ko kasi..

Hindi ko alam pero noong mga panahong yon..

Pinipigilan kong maging marupok sa harap niya..

Baka kasi sabihin niya nanaman sa isip niya na..

"Papatawarin din ako niyan"
"Bibigay din yan"

Oo alam kong naniwala siya sa mga yan.. Pero Hindi.. Nag pakatatag ako mga seb..

Tiniis ko siya kahit nasasaktan ako..

Kahit gabi gabi akong puyat at umiiyak dahil sa kaniya.. Kahit hindi na ako kumain dahil sa kaniya..

Halos mamatay ako nun kasi nahihirapan akong huminga (hyperventilation)..

mahal kita pero masakit..

Ngayon??

Eto may mahal na siyang iba.. P

ero Hindi siya masaya mga seb.. Alam ko..

Hindi niya manlang ini-legal,

Nakikita kong pinatayan niya ng tawag,

Nakita ko yung pag tetext niya sa gf niya na parang walang kwenta,

Nakikita ko lahat sa kanya kasi mahal ko siya..

Mahal, miss na kita..

SECRET FILE SENDER:

Simsim
2015
Manila


Mar 29, 2018 at 6:03 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files