SECRET FILE: It'll Get Boring


Feb 04, 2018 at 2:02 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Currently I'm in a relationship for more than 6years. Normal naman na sa unang taon niyo sobrang sweet, kakakilig, kakaexcite, masakit na masarap ganern.

 

Pero eventually everything will get boring. Siguro dahil sa 2years kaming sanay magkasama lagi.

From 7am to 10pm. Sundo niya ko from home to school kasi classmates kami, seatmates din. Tapos hatid pa sa bahay pag out at tatambay muna bago umuwi. Yun tipong magkahiwalay lang kami pag matutulog ganun kami kadikit ng boyfriend ko.

Graduation came at before graduation I got preggy. Nag graduation na 4months na si baby na walang nakakaalam kahit ako. Irregular kasi menstruation ko. So yun tapos na graduation day magkasama pa din kami mag clearance and everything.

Suddenly di na kami nagkkita kasi wala naman kami ppuntahan. Tatlong sakay sa jeep ang layo ng bahay niya sa bahay namin e. Di ganun kadali lalo walang pamasahe.

Ako una nagkawork samin tapos sumunod siya at nabunyag na na magkakababy na kami. Iniisip kong sinadya niya na sa loob magpa fireworks kasi para di ko.na siya iwanan.

Hanggang ngayon na mag 4years old na si baby di niya inaamin na sa loob niya ibinuga lahat ng pagmamahal niya sakin. Okay naman kami pero konti konti nagbabago.

Nung nanganak ako hanggang lumalaki ang anak namin minsanan lang kami magkita kasi malapit work niya dun at ako malapit dito samin.

Once a week lang kung magkita kami. Ito yung nakakalungkot na minsan kahit text or tawag ayaw niya na ako kausap. Sa tingin ko naman mas maganda na ako ngayon kesa dati e.

Bigla na lang nanlamig ang dating nag aapoy na damdamin. Wala na kong natatanggap na sweet long messages at kahit compliments para sakin. He never tried to tell me how beautiful I am nung nagkaanak na kami.

Mahal naman daw niya ako. Di na daw kasi kailangan yun mga ganun. We'll sa ibang tao na lang ako umaasa sa papuri. One night I texted him na "ang boring na natin!" nagalit siya sakin at galit na galit talaga. Sabi ko na lang "wala nevermind na lang" tapos di na nagreply.

Haaay. Ganun ba talaga habang tumatagal lalong lumalamig? Diba dapat mas maging mainit kasi nagbunga na yun pagmamahalan niyo? Nakakalungkot talaga! Ganito ba lahat ng lalaki?

 

Secret File Sender:

SnowWhite2017


Feb 04, 2018 at 2:02 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files