SECRET FILE: Ito Yung Dream Come True Ko


May 10, 2018 at 5:16 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Pagmamahal, salitang masakit pero masarap.

 

Lahat naman tayo nagmahal diba? At lahat din tayo nasaktan ng sobra....

Pero mas masakit dahil FIRST LOVE KO SIYA umpisahan muna natin sa simula nakita kita sa labas ng opisina ng mama ko at kumaway ka sakin at nag HI nadin ako sayo at sinundan kita at habang hawak mo yung laruan mong kotse tinanong kita "ano gagawin natin?" sabi mo " maghahanap ng multo" ika mo.

At sumama nadin ako at hinayaan kitang maging kaibigan ko at isa din sa dahilan ay magka trabaho pala ang mga magulang natin.

Fast Forward. Crush mo yung kaibigan kong si ANNA at sabi ng kaibigan ko ichat daw kita kasi super bait mo pero isang araw natupad nga naging magkaibigan tayo.

Araw gabi chat tayo hanngang sa kaibigan to KA-IBIGAN .

Minahal moko dahil mahal kita ang saya ko pero diko na realized minahal mo pala ako dahil minahal lang kita.

Pero anong pakealam ko.

Mahal na mahal kita nun eh.

Fast forward. Isang gabi nangako ka na maglalakad tayo at oo naglakad lakad nga tayo pero habang naglalakad tayo tumigil ka at bigla ka nalang lumapit at biglang hinalikan moko sa labi.

At dahil nagawa mo yun dahil sa LUST mas lumalala ng lumala ang ginawa natin.

At diko ininda yun Pero umalis ako para magbakasayon sa ibang bansa at ipinagpalit mo na pala ako.

Ang sakit sakit sobraaaaaaaaaaaa Pero ngayon nag susuffer kana sa GUILT mo.

Pero isang araw gumawa ako ng kontrata dahil atat akong mapasaakin ka ulit.

Pero magulo ang utak mo kaya muli akong umiyak ng umiyak pero ngayon masaya na ako dahil naka move on na ako.

At alam kong lust lang pala ang lahat ng dahilan mo kaya moko dina mahal siguro sinasabi mo lang yun para lumayo ako pero okay na okay na ako.

6 months later, nagchat ka saakin pero gamit ang account ng pinsan mo at inunblock kita at nakita ko messages mo pero nabigla ako dahil baka bumalik ang dati pero nangako ako na hindi na pero medyo magulo pa ang utak mo.

At alam ko din na nakakaakit ang mga mata ko kaya naaakit ka pero balik tayo nagchat tayo at nag balikan nga tayo.

At mahal na mahal mo na ako at mahal na mahal na kita pero isang araw nasa isang lugar tayo at biglang may nangyari at natakot ako at iniwan mo nanaman ako dahil sa GUILT at buntis ako oo nabuntis niya ako .

At nalaman ng mama ko at ng mama mo kaya pinatira ako sa bahay niyo pero sobra ang gulat mo. Dahil magkaka anak tayo pero ang nasa utak ko ay sasaktan kita. Kaya binabaliwala nalng kita sa loob ng bahay niyo.

At di kita kinakausap o tinitignan at isang araw pumunta ako ng centro nakita kita kasama ang ipinagpalit mo saakin inalis ko yung kamay mo skanya at hinabol mo ako pero naka skaay ako sa sasakyan kaya nauna ako sayong nakauwi inakap ko ang mama mo at umiyak at sinabi ko ang nakita ko at saktong pagdating mo ay sinigawan kita minura mura.

Ako: HAYOP KA! BAT MO SIYA KASAMA

Siya: SORRY GRACE , SORRY SORRY

Ako:WALA NA AKONG PANINIWALAAN SAYO . SAWANG SAWA NAKO SA SORRY KO!

at biglang may dugo . Dugooooo! Muntik na kong malaglagan ng bata pero dikita pinasama sa ospital dahil ayokong makita ka.

Pero buti naman at ligtas kami ng anak ko. Oo ANAK KO.

lumipas ang ilang araw may nameet ako si MARK tinanggap niya ang anak ko kahit nasa bahay niyo alo nakatira nalikita kita nag dudusa habang nakikita mo kaming tuwang tuwa .

Mabait si mark at parehas kami ng religion kaya swak na swak.

Pero diko padin pinasan si angelo at todo mahal ko kay mark.

Pero bigla akong kinausap ni mark.

Na nakikita niya raw si angelo na nasasaktan kaya nagparaya siya at tinanngap ko."

Manganganak na ako. Ang baby SEAN DOMUNIQUE ko. Buhay siya..

At nakita ko siya na umiiyak sa kasayahan at nagmamakaawa na magiging matino na siya ayaw niyang matulad sa papa niya at alam ko sa sarili ko na mahal ko padin siya at OO NAGING KAMI ULIT SOBRANG SAYA KO. KASAMA NG ANAK NAMIN AT ISA DIN SA KINAKASAYA KO DAHIL NAGKABALIKA KAMI NG FIRST LOVE KO at unang gabi na natulog kaming magkasama , katabi si SEAN DOMUNIQUE at sa pagsapit ng umaga naging na kami....

Pero AKO lang pala dahil ang totoo.... Panaginip lang pala ang lahat ng nangyari.

Dahil panaginip ko pang pala na magkabalikan tayo at si sean domunique hindi siya buhay kasabay ng paggising ko ay muli kong naintindihan na hindi na talaga kita mahal.

"Kaya sa mga lalaki diyan ingatan niyo ang babae na alam niyong siya na .. Kung iningatan niya sana ako edi masaya tayo wala kang nararanasang guilt" 

SECRET FILE SENDER:

Anna Ace

Quezon City


May 10, 2018 at 5:16 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files