SECRET FILE: Libangan Lang Pala


Dec 30, 2017 at 2:17 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Pasensya na po dito hindi ko alam kung paano sisimulan ito basta type lang ako ng type .

 

Salamat sa pagbabasa.

Oo yan lang ang hanap ko noong mga panahon na kasama kita .

High School Noong una tayong magkakilala ng dahil sa aking kaklase 1st year ako 2nd year ka .

simula non tayo ay nag aasaran gamit ang papel at ballpen kapag nadaan ka sa aming silid hanggang sa nagkatext na tayo at araw - araw .

Noong ako'y nag 2nd year at ikaw ay 3rd year na tanda ko pa noon September 21 noong naging tayo hindi ko alam kung paano at bakit basta gusto ko lang ay makatext ka at makita .

kapag kasama ka ako'y hindi makapagsalita dahil sa hiya lumipas ang araw linggo taon umabot tayo ng mahigit 3 taon ngunit ang ating relasyon ay hindi na nagpatuloy dahil sa ating oras dahil ako nasa kolehiyo at ikaw naman ay hindi na nagpatuloy sa kolehiyo at nagtrabaho ka na lang .

October 2016 bawat oras araw linggo buwan ang lumipas tayo ay nagiging ok madalas ang hindi kaya hindi na tayo nagkakapag usap at nagsasama nang dahil sa ating schedule kaya nang panahong iyon ikaw ay may nakilala at sinabi mo na pinapasaya kana niya at nakikipaghiwalay kaya ako ay umiyak dahil hindi ko lubos akalain na mangyayari iyon .

Simula noon hindi na tayo nagkakausap at nakakapagkita at noong taon ding yon naging kayo nung sinasabi mo na nagpapasaya sayo at ngayon 1 taon na kayo .

habang tumatagal napapaisip ako na hindi pala kita kailangan dahil nasanay na ako na walang katext dahil yun lang naman ang gusto ko kapag walang ginagawa kaya ngayon ang saya ko dahil hindi ko pala kailangan nang pagmamahal gaya ng sa relasyon ang kailangan ko lang ay pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan .

Kaya ko ito ginawa dahil gusto ko sabihin na ang mga relasyon na matatagal na at naghihiwalay parin ay hindi dapat dinaraan sa masamang gawain gaya ng pagkukulong sa bahay, pagpapakamatay at iba pang nais niyong gawin .

ang kailangan niyo lang ay 3 bagay ang lumimot at tanggapin na hindi kayo ang nararapat dahil wala pa siguro sa tamang panahon pangalawa maghanap ng mabuting kaibigan upang samahan kang makalimot at huli magdasal at isipin mo na ok lang mahahanap ko rin ang nararapat . 

Secret File Sender:

-TeddyB


Dec 30, 2017 at 2:17 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files