SECRET FILE: Mas Pinahalagahan Kesa Minahal


May 06, 2018 at 7:00 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

San nga ba tayo nagsimula? Sa simpleng asaran o sa ayaan kung sino manlilibre?

Kung gaano kabilis tayong nagsimula ganoon din tayo kabilis nagtapos.

Naaalala mo ba nung unang beses tayong nagkasama?

Kung paano mo ipinakita yung pagpapahalaga mo, kung paanong umabot tayo sa ganto hindi ko na din alam.

Alam kong naramdaman mo naman kung paano kitang pinahalagahan at minahal, dahil sa panahon na kelangan mo ako nandoon ako.

Hindi man tayo pinag bigyan ng tandhana sa pangalawang pagkakataon siguro sa pangatlo o pangapat ay pagbigyan na tayo.

Sa maikling panahon na pinagsamahan naten alam kong naramdaman mo kung gaano kita minahal, Pasensya na kung minsan nagiging pasaway ako sayo, basta lagi mong tatandaan mahal kita.

Bengtot, nasanay na lang ako na hindi tayo naguusap o hindi manlang nagkakachat kahit text.

Pero sa sarili ko gustong gusto na kita tawagan kaso natatakot akong marinig yung mga paulit ulit mong sinasabi na hindi mo ako magagawang pakisamahan kahit magkakaanak na tayo.

Sya na lang yung tangin dahilan kaya ako lumalaban sayo, Sana naman hindi lang sya yung maging dahilan ng ating muling pagtatagpo.

Kahit anong mangyayare ikaw at ikaw padin yung lagi kong pipiliin ko. Hindi ako mag sasawang intindihin ka kahit paulit ulit na lang akong nasasaktan sayo.

Hindi ako magsasawang unawain ka. 

SECRET FILE SENDER:

Ate Mong Martir

BULACAN

 

May 06, 2018 at 7:00 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files