SECRET FILE: Mr. Jim


Sep 16, 2018 at 12:06 AM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Hindi ko alam kung paano sisimulan to pero kailangan kong ilabas at sabihin ang lahat ng 'to sa'yo sa tingin ko ito na ang tamang panahon at pagkakataon para malaman mo ang lahat ng saloobin at nararamdaman ko para sa'yo sana makinig ka ng mabuti at taos-puso at pakinggan ang lahat ng sasabihin ko

dumating ka sa buhay ko na hindi ko alam ang papel mo pero ikaw pala ang magpapatibok sa natatangi kong puso

hindi ko alam na mamahalin mo rin ako dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari

sa pagkakataong 'to hindi ko na kayang itago pa na nahuhulog na rin ako sa'yo

simula ng umalis ako hindi kana mawala sa isip ko matagal kong pinag-isipan 'to at gusto kong iparating sa'yo na mahal na rin kita

pero sabi mo huli na ang lahat alam ko na ang limitasyon ko at kung hanggang saan lang ako sa'yo

nahulog ako sa mga sinabi mo na gusto mo'ko at gusto mong ipagpatuloy pa'to pero hindi ko alam na ang pagkagusto mo ay hahantong pala sa mahal mo na ko

hindi ako makapaniwala sa mga sinabi mo kaya ako ay nagsaliksik pa ng husto nagtanong ako sa mga kakilala mo at inalam ang nakaraan mo ngunit ako ay may nalaman na magpapabago ng nararamdaman ko para sa'yo

ikaw ay may mahal ng iba yan ang pagkakarinig ko kahit walang salita na lumalabas mula sa labi mo damang-dama ko at kitang kita sa mga mata mo naniwala ako sa pagpapakilig mo at sa mga sinabi mo noong ako ay kasama mo

kaya ngayon ako ay nagpakatanga dito sa tuwing tinatanong kita kung sino ang mahal mo umiiwas ka,nalulungkot, at nalilito kahit na alam ko na sa sarili ko ang nararapat na sagot sa tanong ko gusto ko padin malaman at marinig mula sayo ang totoong sagot na hinahanap-hanap ko sa bawat araw at gabing lumilipas na hindi ko nagagawa ang mga bagay na gusto ko

sana hayaan mo ang sarili mo na sabihin ang totoong kasagutan sa tanong ko kesa magsabi ng hindi totoo para lang mapalubag ang loob ko magkaiba ang ipinapakita mo sa sinasabi ng mga mata mo ang mata mo na nagsasabi ng totoong nararamdaman mo

kahit ang mood mo ay pabago-bago unti-unti ko ng natatanggap ang lahat ng yun sayo at ito ay tinanggap ko ng buong-puso dahil ito ang dapat gawin ng taong nagmamahal ng totoo

una kayong nagmahalan ng todo kaya kahit masakit kakayanin ko hindi ako makapaniwala na nangyayari sakin ang lahat ng 'to na sa sandaling panahon naramdaman ko agad ang mahalin, magmahal at masaktan ng todo

ang tuwa simula ng makilala ka ang kilig na ipinadama mo nung ako ay gusto at mahal mo pa ang saya na nakikita ko sayong mga mata ang kaba sa tuwing nakikita kong papalapit ka ang mamiss ka sa tuwing naiisip kong hindi na p'wede pala talaga ang panghihinayang sa nalalabing oras na magkasama pa tayong dalawa ang lungkot na namumutawi sa aking mga mata sa tuwing naaalala ka ang galit na naramdaman ko nung nalaman kong ganun pala ang umasa na magkakaron ng tayo pero wala talaga ang sakit na ipinaramdam mo sakin na huli na ang lahat dahil ba sa oras na tapos na ang kinakailangan ko?

kaya nasabi mong tapos na rin ang lahat ng 'to? akala ko ba gusto mo'ko? akala ko ba mahal mo'ko? akala ko lahat ng 'to totoo?

isa lang palang napakagandang palabas sa paningin ng tao! sana nga panaginip nalang 'to para paggising ko ang panandaliang sakit na naramdaman ko ay unti-unting mawala at maglaho totoo ngang masarap magmahal pero wala ng mas gaganda pa kung ang taong minamahal mo ay minamahal ka

sa sitwasyon natin na'to masakit mang aminin pero ako nalang ang nagmamahal at yan ang lalong nagpabigat ng nararamdaman ko iisipin ko nalang na pagsubok lang to sinusubok kung gaano katatag ang puso ko pero kahit ganon ang nangyari sa pagkakataong 'to hindi ko ito tinitingnan bilang negatibo bagkus ito ay gagawin kong inspirasyon kapag magmamahal muli ng wagas at totoo maraming salamat sa mga natutunan ko mula sa'yo at sa hinaharap magiging mas matatag pa ako sana ang taong kasama mo ngayon ay siya na ring masuwerteng babaeng makakasama mo sa mga susunod pang taon at lilipas ang araw na mababalitaan ko na may isa ng anghel na inilaan para sainyo P.S. Marami pa kong gustong sabihin sayo pero siguro hanggang dito nalang muna to!

P.P.S.Thank you sir Jim for everything!

SECRET FILE SENDER:

JEN

Batch 2018

TCU

Tags :
secret

Sep 16, 2018 at 12:06 AM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files