SECRET FILE: Ms. Whet


Sep 15, 2018 at 11:48 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Hi itago nyo nlang po ako sa pangalang Jhayr , 21years old. Nainlove po ako sa babaeng hnd ko nmn gaanong kilala.

Na fall ako sa kanya ng hndi ko inaasahan. Nangyare to nung June12 ng gabi around 9pm. Galing akong SM. Paglabas ko ng SM, baha dahil sa malakas na maghapong ulan. Tumawid ako sa sakayan ng jeep at may nakita kong Girl na ang tangkad. Simple lang, naka white shirt at pants, Tapos may dala syang Plastic envelop na may mga papeles, ang ganda ng kilay nya. May dimple, at mukang mataray tapos may tatoo.

Tumabi ko skanya mga 2 dipa lang pagitan namin. Around 5mins hnd pdin ako nkakasakay at pti sya mukang matagal ng naghhntay ng jeep n mssakyan. Hanggang sa may lumapit samin na pedicab, ("ate tawid ko kayo sa kabila lang may jeep na don", sabi ng pedicab driver). Dahil nakapants(maong) sya napilitan sguro syang sumakay sa pedicab para hnd sya mabasa at mahatid na sa kabila at makasakay na ng jeep. Ako nmn tong papansin sumakay din ako. Tinanong ko sa driver kung magkano isa, bente daw isang tao. Sa isip isip ko ang mahal naman. Pero dahil crush ko si ate girl. Ayun sumakay nadin ako at nagpahatid kasabay nya. Habang nsa pedicab kme, pasimple akong tumitingin sa mga dimple nya.

Mukang nagpapacute kse sya. At ayun na, binaba na kme ng pedicab sa kabila sa tapat ng sm terminal, saktong pagbaba puno na yung jeep na dpat ssakyan nmen. At dahil nagpapapansin ako kay ate Girl, nagtanong ako kay manong driver kung saan pwdeng sumakay, kuware hnd ko kabisado ung lugar at mhhrpan ako makauwi. Maghntay nlang daw kme ng jeep na ddating. At ayun nagsalita na si ate Girl, ("tara tawid tayo, may jeep sa kabila or bus nlang" sbi ni ate Girl). Napangiti ako at sabay kme tumawid. Inangat nya konti ung maong nya kse nga mejo baha pa. Tnitignan kolang sya kse nga ang cute nya tlga. Ang tangkad tpos may dimple. At ayun may jeep na hnd puno nakasakay nadin kme.

Syempre hnd ako papayag na hnd ko sya makatabi sa jeep. Tumabi ako sa kanya, nsa left side kme ng jeep. Then nsa left side nya ko. So sya ung naka angle sa side ko. Nagbayad sya tapos inabot ko, putcha kinilig tlga ko kse everytime na may magbabayad sya ung nag aabot so ako naman inaabot ko din kse galing sa kamay nya. Di nako mapakali, npapatingin nako skanya at alam kong pansin nya yun. Hanggang sa nagsalita nnman sya, ayun may chance nnman ako para makapagsalita, sbi nya puro daw baha ang nasalubong nya sa araw nayun. At nakapag salita nko. Di nako nahiya hanggang sa tanungin kona sya kung anong pangalan nya. Sagot nya sken "SWEET" sa isip isip ko parang niloloko ako neto ah. Pero hinayaan konalang.

At tinanong ko kung may bf sya, sbe nya wala daw kaya mejo natuwa ako, at tnanong ko kung ilan taon na sya, 21 daw so mas lalo akong natuwa kse 21 din ako haha. Nagtanong uli ako kung malapit na sya bumaba. Oo daw, so ako nmn nagpanic bigla ko nlang nabanggit skanya na "wag ka muna bumaba" tpos bigla sya natawa, natawa lang din ako kse nahiya ako sa nsabi ko, tpos nakangiti sya sken tinitigan konalang sya, grabe yung dimple ang lalim tpos ang ganda ng mata at kilay nya. Hanggang sa " Ma' Para po! " putek nayan bumaba sya. And guess what kung anong ginawa ko? Ayun bumaba ako kht umuulan, hinila ko ung kamay nya. Grabe diko tlga namalayan na nagawa ko yung mga ganun sa hnd ko kilala. Bumaba ako kht malayo pako sa bababaan ko. PS: nagbayad nko ng pamasahe ah. 10pesos ung rate nung sken, 8pesos lang ung skanya since mas malayo ung sken kaya ganon.

Pagbaba namin ng jeep nagulat ako pumasok sya sa bahay. Kala ko tlga bahay yun, yun pala tndahan, bumili sya ng yosi, hayup dinaig ako. Kse di ako nagyoyosi(Goodboy). Tinanong ko sya kung bakit sya nagyosi. Na tense daw kse sya. Tingin ko dahil sakin kse nga bumaba din ako kung saan sya bumaba. Habang nagyoyosi sya tnnong ko sya, bakit kba na tense? ("Sinundan moko dito" sbi nya), Yung tapat pala ng Kinatatayun nmen is burol ng byenan nyang lalake, parang nanlamig ako bgla sa snbi nya. Wala syang boyfriend kasi may asawa at anak na sya and that day nakaburol pa ung tatay ng asawa nya sa mismong tapat ng tndahan na kinalalagyan namen, at yung papeles na hawak nya ay mga papeles nung byenan nyang nakaburol. Bglang umulan ng malakas, dahilan para hnd pa ako umuwi, hnd muna sya pmunta sa burol at nagtago kme sa gilid ng tndahan. Nagkwentuhan kme, nagkapalagayan ng loob at lalo pakong na fall skanya kht alam ko na ung sitwasyon nya, ramdam kong ganun din sya sken. Hanggang sa hiningi ko ung Full name nya, facebook account, number pati na address. Sinulat nya lahat un sa kapirasong papel, at may mga sinulat pa sya na basahin konalang daw pag nakauwi nako. Lumakas ng lumakas ang ulan, tumagal ng tumagal kme na magkausap, grabe ung tibok ng puso ko.

Hanggang sa diko na Napigilan, nahawakan ko ung kamay nya, at sinagot din nya ng mahigpit na hawak sa kamay ko. Napayakap ako skanya na parang matagal na kameng magkakILala, nagawa ko syang halikan sa labi, at napaisip kung tama paba to? Pero sa mga minuto na yun wala akong ibang maramdaman Kundi saya, At hnd na namin naisip kung tama paba yung ginagawa namin? Mdme pa kaming napag usapan sa maikling oras nayun sa ilalim ng malakas na ulan. Hanggang sa tinawagan na sya sa phone at hnhnap na sya ng asawa nya, Ngdecide na kaming umuwi na't sinamahan kolang syang tumawid ng kalsada at hinalikan nya uli ako sa pisngi at niyakap ng mahgpit na parang ayaw ko ng umuwi nung gabing yun, winisikan nya ko ng pabango nya na pagka bango bango para daw maamoy ko pdn sya hanggang sa paguwi ko.

Tinignan ko na lang syang naglalakad habang papalayo saken, nakakalungkot, natapos na ang mga sandaling nakasama ko sya na alam kong hiniram lang naming dalawa ang mga oras na yun. sumakay na lang ako sa jeep papauwi samin. feeling ko walang ganang maglakad ung mga paa ko dahil sa nangyare, pag uwi ko sa bahay binasa ko yung maikling sulat nya sken " Ingat ka, Love You! Mhua <,= Nice meeting you ! ". tinext ko sya sa bngay nyang number, buong gabi akong naghintay pero hnd sya nagreply. tinawagan ko sya kinabukasan mula umaga hanggang tanghali at nagring ang phone nya, pero feeling ko naka block nako sa pangalawang beses ng pagtawag ko. pinaloadan ko ung isang number ko at nakausap ko sya. maayos nman kmeng nakapag usap dineny nyang binlock nya ko sa unang number na gnmit kong pantawag skanya, kinamusta ko sya at sinagot namn nya ang mga tanong ko hanggang sa snbi nya na may ttwagan lang daw syang importante, nalungkot ako kse prang umiiwas sya. bandang hapon may narecieve akong message galing sknya "hi sorry makiusap ako na stop na lang natin to.. ayoko dagdagan problema asawa ko.. sensya kana haa sana maintindihan mo " inamin ko skanya na may girlfriend ako. aaminin ko nmn na tlga skanya.

nakiusap ako na sana kahit sa huling pagkakataon makausap kopa sya dahil may mga tanong ako sa isip ko na sya lang ang mkakasagot, alam kong unfair ang mag cheat, pero unfair din para sakin na hnd ko malaman kung bakit sa maikling oras na nakilala nya ko is naging special ako para skanya, ung kiss, ung hugs, at yung sulat nya sken. lahat yun hnd ko magtes. lahat yun hnd ko inisip pero bumaba at tumatak sa puso ko. lahat yun ramdam kopa, at alam kong saglit na kasiyahan lang para saming dalawa. hindi kona sya makontak, at hndi nadin ulit sya nagtex sakin.

Shout out sa mga makakabasa nito, sana mag iwan tong lesson para sating lahat, na ang isang bagay dapat pinaghhirapan. walang instant sa mundo. lahat dumadaan sa tamang proseso, lahat ng bagay na makuha mo ng mabilisan, ay mabilisan ding lilisan Pag ibig man yan o Kayamanan. At kay Ate Girl na tatawagin natin sa pangalang Ms.Whet, nagpapasalamat ako sayo, grabe yung pagbagsak ko that time, wish kolang sana hnd na tayo magkita. kse baka alam mona hahaha. basta ingat ka palage. ingatan mo ung baby mo. namiss kita bgla kaya ginawa ko tong confession ko na to. Yun lang, Maraming salamat !

SECRET FILE SENDER:

JAST

Tags :
secret

Sep 15, 2018 at 11:48 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files