SECRET FILE: My Ex PANCHOT Boyfriend ,Daddy Of My Baby


Mar 29, 2018 at 5:26 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Yes tama kayo ng pagkakabasa, Ex ko na ang Tatay ng dinadala ko sa sinapupunan ko ngayon.

Then Actually I'm Also 20 yrs. Old from now sguro di na masama o bago sa inyo. dahil may iba na mas bata pa saken na nagbabahagi ng iba't ibang kwento nila, Pero isa parin ako sa mga Maaga nabuntis.

Dahil alam kong simula palang ito ng pagiging ganap na dina teens at Isa rin ako sa Nagkamali gaya nila .

Syempre sa ibang tao rin para sa knila may masasabi at masabi sila dahil nga bata paden ako.

Kase nga naman kakatapos ko lang ng teenage daya ko at nabuntis nako.

Oo Ok na sana Going to start na sana ng mga pangarap ko at matulungan ang parents ko.

Pero di ko inexpect na Magbabago ang buhay ko at Biglang dumating sa buhay ko to.

Yes Pati ako nadismaya sa sarili ko at pati ang mga magulang ko .

Because they are Proud of me , and syempre ako Inaasahan nila na Makakatulong sa kanila .

Dahil Pangalawa ako sa magkakapatid at nakikita rin nman nila ang pagpupursige ko dahil kahit malayo ako sa kanila nagsisikap nako humanap ng mga pagkakakitaan para makatulong at para mabili ang mga bagay na di ko na dapat iasa pa sa kanila.

Di ko shinare to para sa sumikat gusto ko lang maibahagi ang kwento ko.

Na sana magbigay inspirasyon at wag magtiwala agad sa malapit sa inyo at lalong lalo na sa mga manliligaw nyong lalaki pero i know na di lahat Fastforward nakilala ko sya sa school ng cavite.

nung una talaga chickboy ang first impression ko sa kanya. kasi halos lahat ng babae kalandian niya.

hanggang sa niligawan niya ako akala ko mali ako ng pagkakakilala sa kanya yun pala pakitang tao lang ang lahat para makuha niya ang gusto niya and yes naibigay ko yung iningatan kung puri alam kung di tama pero minahal ko ee nagtiwala ako yung pala hayop ang minahal ko. Ff.

Yes pinili ko siya kesa sa pamilya ko pero eto tinanggap parin ako ng pamilya ko at ito lang sinukli ko at nagpabuntis agad ako.

Oo sge tatanggapin ko na may masasabi at huhusgahan nyo ang gaya ko . Pero wag na wag nyong mamaliitin ang katulad ko .

Oo nabuntis man ako ng maaga gaya ng iba dyan at lalo na sa ex kong lang ang nakabuntis saken .

Kahit na sabihan nyo man ako ng malandi ,disgrasyada ,tanga,Bobo.Oo disgrasyada kase alam nyo ex kona lang nman sya at di nya nman ako pinanindigan .Andun na tayo Pero kahit Ganito man Nangyare saken ngayon .Tinanggap ko dahil syempre andito na at biyaya ng dyos to.

Pero simula ng dumating sa buhay ko ang biyaya na to .Dito nagsimula ang Pag asa ko sa buhay mula sa pagkabigo ko sa mga naranasan kong hirap noon na kahit anong sikap ko wala pa ren nangyayare , Sguro nga dahil di pako makapaggraduate .

Pero Sa ngayon Isa lang ang Masasabi ko sa Napakaagang biyaya saken ng diyos at aral na matutunan ko sa ipinagkaloob nya saken at sa pamilya ko .Ay naging Pag asa ko parang magkaroon pa ng saysay ang buhay ko at sa pamilya ko .Na sya ang magiging instrumento at inspirasyon ko , Para lumaban at Magsikap pako sa buhay.

Oo nabuntis ako Pero di pa katapusan ng nga pangarap ko .Dahil simula ng dumating sa buhay ko ang biyaya na to . At sa mga pagkakamali kong nagawa,Ay nagsilbing aral ito sa buhay ko at natuto ako sa buhay .

Syempre sya rin ang nagbibigay ng swerte saken Na noon di ko natatamasa at natatanggap ay ngayon natatanggap ko ng paunti unti kahit papano lalo na sa lahat ang pagmamahal ng mga magulang ko .At ang dating di ko nararanasan ay naranasan ko na ngayon .

Dahil kahit nabuntis ako di ako naging pabigat sa mga magulang ko Suporta at Pagtanggap samen ng baby kong bilang pamilya lang ang nais ko.

Dahil simula ng malaman ko na delay nako at iba na ang nararamdaman ko nakapag isip nako na kung ano ba ang dapat gawin ko at hindi ?

Oo nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ito o hindi .

Pero ang inisip ko agad itutuloy ko to dhil kahit di ako kayang panagutan ng taong nakabuntis saken .

Alam kong kakayanin ko lahat ng ito.Dahil nagtitiwala ako sa Dios kaya binigay nya samen to for a reason.

May purpose si God and may plano si God kaya nya binibgay saken to. Oo napakahirap kase di ko pa pinapaalam dhil di ko alam kung anong gagawin at sasabhin ko sa mga magulang ko that time. Di ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat ng to .

Ilang days weeks months nakong umiiyak dahil di ko talaga alam gagawin ko dahil ex kona lang nakabuntis saken .

Yes i told to him agad .na delay palang ako syempre regular talaga ako at alam kong sya lang ang nakas*x ko dahil siya lang ang una at huling naggalaw sakin.

Di ko rin inexpect na baket sya pa eh ex kona lang nman sguro nga nasabik din ako sa kanya dhil away bati kami break tapos kami ulit through facebook .

Actually minsan nalang kami magkita nun dahil LDR nga.

syempre babae lang naman ako di ko rin akalain na matutukso ako kusa nalang talaga nangyare .

Di nako nakapag isip sobrang biglaan .Di ko rin alam kung baket ? Oo tao lang ako di perpekto gaya nyo ?

Siguro nga ang tanga tanga ko pero di ko pinagsisihan lahat ng to . Mas dapat sya ang magsisisi dhil di naman ako ng nawalan kundi sya ?

Oo KINAKAILA nya to pero di naman ako yung tipong babae na pariwara kahit na gumagawa ako ng kalokohan na pagsisisihan ko.

Yung pakiramdam na tngin nya sayo ganun na ipapaako mo sa knya kung di nya nman talaga anak to baket ipagpipilitan ko pa sa kanya ee ayaw niya nga at takenote ayaw ng magulang niya. kung tutuusin pwede ako magpagalaw sa iba at ipaako to pero di nman ako ganung babae .

Syempre iisipin ko nalang kung ganun gagawin ko lolokohin ko na anak ko pati sarili ko niloko ko na ren diba ? I told him na alam mo yan sa srili mo at syempre lalong lalo na si God.

Tinanong ko din sa kanya to baket ginawa nya samen to ni baby naging mabuti nman akong Girlfriend sa knya baket ganito pa isusukli nya samen , Yung tipong inako ko na lahat ng responsabilidad this time ni hindi ako humingi sa parents ko at sa kanya. inintindi ko sya that time dhil nga mas matanda ako sa kanya ng 1 year alam ko nabibigla pa sya sa pangyayare .

Kaya ako na mismo gumawa ng paraan para mabuhay ko si baby .Yes 1 month nagsimula ako mag start ng work kahit na alam kong mapapahamak at pwedeng may masamang mangyare samen ni baby Nakakausap ko pa sya before pero ngayon wala na kaming communication dhil sa ngayon alam kong masaya na sya at nakuha nya pang mag gf kahit na alam nman nyang magkakababy sya saken kahit ni piso concern wala man lang saket diba ni anino wala man lang pero nung napagbigyan ganun ganun lang ?

Dalawa nyong ginawa to pero ikaw lang ang humaharap .Pero No Choice eh Nagwork talaga ako kahit mahirap at puyatan pa para lang may maipon and pangbili ng kailangan namin ni baby . Kailangan namen to ni baby, kaya kahit na Masama ang pakiramdam ko sge go pumapasok padin ako sa pinasukan kong work na panggabi. di pa alam ng parents ko yun kaya sinasamantala ko yung mga unang sahod at kita ko sa trabaho ay tinutulong ko muna sa kanila .

Pero nagpapasalamat ako nakikisama si baby at di nman ako nabigo dahil after 6 months na pagtatrrabaho ko nakaipon ako ng pampaanak ko at panggastos at pamasahi pauwi sa province namin yes tama kayo mag isa lang ako at malayo sa magulang ko pero kinaya ko. di parin ako nag stop mag work kase kailangan ko pa. kahit makakasama na samen ni baby dhil nga maselan ang pagbubuntis ko nagsspotting ako .

Pero unang una ko tlagang hiniling sa Dioss nun that time di bale ng di kami panagutan ng tatay neto basta buhayin nya lang si baby kahit si baby nlang kakayanin ko lahat kahit na kami lang .At di nman ako binigo ng Dios.Kaya eto 7months na si baby ilang weeks nalang mkakaraos na kmi .

Kahit napakahirap kinakaya ko ginawa ko to ginusto ko rin Oo aminado ako dun .Pero wala akong pinagsisihan dahil alam ko di nman ako umaasa sa ibang tao at nakakaagrabyado .Mas masama kung ipapalaglag mo masabi lang na dalaga ka at makapaglandi kapa. Di ko lubos maisip na may mga ganitong babae na kaya nilang patayin sariling dugo't laman nila at syempre sa mga lalaking walang bayag at kayang balewalain ang magiging anak nila Mahiya naman kayo puro pasarap lang kayo! Sabagay may araw din naman kayo kaya bahala na si God sa inyo .

GODBLESS SYEMPRE SHOUTOUT DIN SA MAHAL KONG EX PASALAMAT KA ININTINDI KITA PAKASAYA KA KAHIT NA ANG SAKET , PAGDURUSA AT PANGUNGULILA BINIGAY MO SAMEN NG MAGIGING ANAK MO .

DI KO NMAN HINIHILING SAYO NA PAKISAMAHAN MO KO ANG HILING KO LANG SANA SUPORTA,CONCERN,AT PAGIGING TATAY KAY BABY .

KAHIT NA WAG PARA SAKEN PARA SANA KAY BABY NALANG SA MAGIGING ANAK MO RIN.PERO HAYAAN MO NA KAPALARAN KO TO PERO SANA DI MO NA DINAMAY SI BABY .

WAG KA MAG ALALA KAYA KO TO ! NGAYON PA BA AKO SUSUKO .MALAPIT KO NG MAHAGKAN ANG BABY NATEN .OOOPS ! PARA FAIR DIBA ? BABY NATEN HAYAAN MO SOON DI KO IPAGKAKAIT SAYO SI BABY YUNG KINAKAILA MO AT SINISIGURADO KO NA SAYO TALAGA TO PAPATUNAYAN KO YAN SAYO !

GOODLUCK NALANG SALAMAT KASE KUNDI DAHIL SAYO .

DI AKO MATUTUTO AT MAGKAKAROON NG ISANG MUNTING ANGHEL KUNG MABABASA MO MAN TO SANA KAHIT PAG PRAY MO NALANG KAMI NI BABY SA ARAW NA LALABAS NA SYA SANA MAGING SUCCESSFUL AT SANA MAGING HEALTHY AT POGI SI BABY.

SECRET FILE SENDER:

-chesoontobemom

-MyBby Boy Zach

-PROUDSINGLEMOM


Mar 29, 2018 at 5:26 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files