SECRET FILE: Paano Na Tayo?


Feb 04, 2018 at 2:10 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Sabi nila tayo daw yung tipo ng couple na hindi maghihiwalay. Kahit maraming nagsasabi na walang forever, wala naman talaga tayong paki don.

Hindi ka kasing gwapo tulad ng iba, o kasing puti nila, pero nasayo yug mga katangian na wala sila,a perfect boyfriend material and you showed me na karapatdapat kang mahalin at bigyan ng chance.

Sa mga panahon na naging tayo wala akong pinagsisihan. Sa mga yakap mo at halik ramdam na ramdam ko na mahal na mahal mo ako.

Pero muntik na natin makalimutan ang isang bagay, bagay na nakaplano na bago pa man maging tayo, bagay na mas maraming sinakripisyo keysa sa relasyon natin. Yun ang pag alis mo. Ang pagsunod mo sa mommy mo sa ibang bansa, sa amerika.

Magkaibigan palang tayo nang umalis yung mommy mo para makapag trabaho sa ibang bansa, at kapag nakaipon ay isusunod ka niya sa kanya para makapag aral ka doon. At heto na nga, unti unti ko nang nararamdaman yung pag usad at pagaasikaso ng mga papel mo. Ang bilis masyado, in just few months ayos na ang lahat.

Napag usapan naman natin to matagal na, nangako na babalik ka para sakin. Dati nababasa ko lang sa mga story at napapanuod sa telenovela ang mga ganitong eksena at nasasabi sa sarili ko na, 'Ang liit lang ng problema nila, kung mahal naman nila ang isat isa hindi nila dapat hiwalayan ang isa dahil aalis lang siya ng bansa. Na madali lang naman yun.

May skype, videocall etc naman. Hindi naman nila kailangan magbreak." Pero akala ko ganun lang talaga yon. Kapag pala naranasan mo ang hirap magdisesyon. Ayaw kong umalis ka, ayaw mo rin naman.

Pero ang hirap kapag pamilya at kinabukasan mo yung nakasalalay. Matagal pinagipunan to ng mommy mo at matagal nang naka plano bago pa maging tayo. Nandyan na yung nakikipag talo ka na sa mommy mo, nakikiusap pero ayoko naman na masira tayo, na maisip nila na dahil sakin kaya ayaw mo tumuloy.

ANG HIRAP MALAGAY SA SITWASYON NA IKAW NA YUNG KAILANGAN MAGPARAYA. Iniisip ko, pano nayan? Iba na ang mundong gagalawan mo don, malayo kesa dito.

Anything can change in just a short period of time. Na baka mamaya ako na yung maiwan. At mas kinakatakot ko ay baka ako pa yung magkadiperensya.

Baka maover think ako, baka masira yung tayo. Natatakot lang ako. Sana, sana lang makapagdesisyon ako ng tama.

Secret File Sender:

Ateng Iiwan

20**


Feb 04, 2018 at 2:10 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files