SECRET FILE: Pangakong Napako


Mar 29, 2018 at 7:52 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Itago nyo nalang po ako sa pangalang Cyl at si ex naman po is Fuccboi. first time ko po mag open dito sana mapost. I'm not a good story teller so ito na. Sorry po at mahaba

Nagsimula ito nung January 2017. Tanda ko pa nun punta ako ng munisipyo nakasakay ako sa tricycle and sa daan na medyo papataas bumaba lahat ng pasahero kase hirap umandar yong tricycle ako lang ang natira na nakasakay then habang papataas may motor kami kasalubong then may nakita ako na lalaki nasa gitna sya nung driver at isa pang angkas then pagtingin ko nakatingin din sya sa akin so nagkatitigan kami as in matagal na nakatitig  . Sa isip ko (parang kilala ko yon. nakita ko na yon e ah oo parang nagchat na yon sakin dati )

Then kuha phone ko sabay hanap sa mga recent chat sakin and boom nakita ko pangalan nya chineck ko muna timeline nya kung sya nga at di naman ako nagkamali. Chinat ko sya agad agad
me: Ikaw yong nakita ko kanina?
and nakakalungkot kase nakalagay "active 9hrs. ago"
so ayon offline muna ako. Then habang nasa munisipyo ako iniisip ko parin kase alam ko sa sarili ko na may something,something na kakaiba na nun ko lang naramdaman.

Then nag online ulit ako para icheck kung online na sya pero hindi parin so naisip ko magbackread sa convo namin dati at napangiti ako sa nabasa ko:
Virbatm
sya: Hi
me: (smile lang )
sya: suplada mo naman. may boyfriend ka?
me: oo e.
sya: ah sayang mag aapply sana ako
me: hahaha ay late kana
sya: sino pala bf mo?
me: si ****
sya: ( seen )
and natandaan ko na last year ko pa pala sya nakakachat at nakachat ko na din s'ya dun sa unang account ko na nireport.
and take note bestfriend s'ya ng tropa ko .
And ayon nga nakauwi nako sa amin. at hindi parin s'ya nagreply (waiting......)
Then gabi na around 10pm bigla sya nagchat na (kilig )
Vrbtm.
sya: ewan. baka oo
me: ikaw nga iyon
sya: bakit ikaw din ba yong nakita ko? nakasakay sa tricycle?
me: Oo hahaha
sya: may boyfriend ka? ( as usual naman yon ang tanong nya fuccboi e )
me: bf? Oo madami . (pero joke lang naman yon single talaga ako nun)
sya: ah ay magtahan maigi pa'y matulog na laang.
me: haha suplado ka pala ano?
sya: (active 2 minutes ago)
then natulog nako.

pus kinaumagahan nagchat sya kinuha number ko at tuloy tuloy na pag uusap namin. Then January 21 (yata) nagkita kami sa isang Place sa Infanta kung tawagin ay Bubble house.

Tawang tawa ako dahil nanginginig sya ewan kung bakit pasmado ata . Hahaha
Nagselfie kami agad agad kasama ko kase 2 pinsan ko. At pumunta na kami sa sulok (inuman at tambayan)

Pabebe pa sya nun kase di daw sya umiinom e ako naman Go lang ! tapos ayon may girlalu na dumating (nagfifeeling ex nya daw)
muntik ko pa awayin e (tapang)

bumalik na kami ng bubble house at dun kami nag usap,selfie ulit at si hokage nakakiss agad sya slightgrin emoticon hahaha. Mga gabi nako nakauwi nun inantay nyako makasakay at bago ako sumakay kiniss nya ulit ako (landi e )

January 24 hapon na nung halos gabi na nagtext sya punta daw ako sa bubble house kase may importante sya sasabihin . magsusumbong lang pala na may lumandi sa kanya sa inuman edi ako Go kahit gabi na. dun ako nagtiwala sa kanya kase akala ko loyal nga sa ginawa ba naman nya sinong di mapapaniwala na ambait bait nya at katiwa-tiwala naisip ko deserve nya na pagtiwalaan kahit para sakin mahirap na magtiwala.

@exactly 8:19:10pm he made a promise na "WALANG IWANAN" ansaya namin nun. inihatid nya pa ako sa sakayan then biglang nagkagulo dahil sinugod sya ng isa ko pang manliligaw at tropa nun buti naagapan di sya nasaktan.

January 25 (birthday ng mama nya)
pinakilala nya ako sa pamilya nya. Oo malayo layo din bahay nila pero effort ako na pumunta kahit medyo alanganin ang oras.

Nakilala ko barkada nya (team stick-o)
at nakakwentuhan ko mama nya ( sobrang bait at kalog kaya madali makaclose)
Araw-araw nanliligaw palang sya medyo okay kami saya kilig at konting tampuhan lang. Nagsimula na yong away namin nung lagi n'ya ng nababanggit ang ex n'ya

kesyo nakikita nya sakin yong ex nya kaya nya ako niligawan ansakit nun para sakin pero dedma lang go parin.

Fast forward

February 5 @4:32:07pm sinagot ko na sya. oo mabilis ayoko na kase maunahan ng iba dami kase nanlalandi sa kanya. Nakakatuwa kase puro kilig at saya nun. yong kada magkikita kami hindi pwedeng walang pictures. tipong capture every moments 

Akala ko nga okay na okay e akala ko magwowork talaga pero hindi maling mali.

Isang gabi magkasama kami niyaya nyako mags*x kami at oo di ako pumayag as in umiiyak nako na nakikiusap na wag muna pero si gag* hindi pumayag as in tinadyakan nyako at sinapak sabay sabing "mag let go nalang tayo" at ako naman syempre mahal ko di ako pumayag na maglet go kaya ayon pumayag si gaga na magkeneme kami.

Oo nakita ko na kung ano kaya nyang gawin sakin pag di nya nakuha gusto nya pero di ko parin sya iniwan instead pumayag nalang ako at after mangyari nun okay pa kami wala namang nagbago. Pero habang natagal napapansin ko na nag iiba sya sa twing ayaw ko makipags*x sa kanya galit na galit sya minsan nga sinabihan nya nako na "ano may natira na sayong iba kaya ayaw mo na?" (sabay sinakal at sinampiga nya ako)

At dun na nagsimula yong kalbaryo ng buhay ko (pero wala naman akong pinagsisihan)
araw-araw nya na akong sinasaktan emotional and physical as in nanununtok at naninipa minsan nananapak. pero di ko parin sya iniwan (tanga ko e)

Marami na ngang nagsasabi na sobrang tanga ko na. bat daw di ko pa iwan e di ko daw deserve yong lalaking ganun? Pero wala mahal ko talaga.
March 4 ko sya pinakilala sa pamilya ko (di ba kahit napakasama nya pinakilala ko parin?) mahal ko kase.

nasa bahay kami nun nag inuman kami ng mga pinsan ko (di sya nainom nun)
nalasing ako at ginalas. umiyak ako ng umiyak oo sa harap mismo ng magulang ko sinabi ko lahat ng ginawa sa akin na pambababae panloloko pero hindi yong pananakit. awang awa daw sila sakin nun kase nun lang nila nakita na ganun ako. kinausap sya ng mama ko

Fast forward
medyo nagbago sya after nun pero bumalik ulit sa dati. nambabae na naman. hanggang sa ilang beses na kaming naghiwalay pero ako naghahabol kase mahal na mahal ko nga kahit ganun sya. nagmakaawa pa nga ako sa kanya iyak ako ng iyak sa twing ibbreak nya ako. at dumating na nga ang isa pang pagsubok.

nadelay ako 2months at alam nya naman kaso di namin masabi sa parents namin. NagPT ako at negative naman pero sinabi ko parin sa mama ko at thanks God kase di sya nagalit. (expected na daw nila yon kase di daw ako magkakaganun kung wala pang nakukuha sakin) ako narin nagsabi sa magulang nya takot kase sya at ayon nga 2 days after malaman nila tita (mama nya) nagkaregla ako pero nagpunta parin mama at papa nya kasama sya sa amin at nag usap sila ng pamilya ko. Kala ko okay na pero hindi pa pala.

Hindi sya nagbago mas lalo syang lumala. Nambababae,nambabakla,at nananakit parin.

Minsan nga may nabasa ako na katext nya at sinasabi nya na kababata nya lang ako (pero kami na nun) at ito pa "break na kami" (pero magkasama kami nun at magkatabi pa) Galing di ba? pero di ko parin sya iniwan hanggang sya na ang nakipaghiwalay at kahit anong pagmamakaawa ko hindi na sya bumalik. ang hindi ko matanggap sobrang unfair nya kase isa lang yong pagkakamali na nagawa ko at hindi pa malala pero nakipaghiwalay parin siya samantalang sya na milyong dahilan na para iwan e hindi ko ginawa yon ay dahil sa takot na baka sumbatan nya ako na magaling lang ako mangako. nangako kase ako na kahit ano gawin nya di ko sya iiwan at susukuan.

Nito lang last month nabuksan ko account nya may nabasa ako na nagconfess sya at dun ko nalaman na kaya pala sya ganun sakin na kaya pala kahit anong gawin ko binigay ko na yong best ko wala parin iniwan nya parin ako yon e dahil hindi pa sya nakakamove on dun sa ex nya . kaya pala pilit nya ako iginagaya dun sa ex nya. Gusto nya magpaputi ulit ako magpakulay ng buhok at magpabrace kase ganun yong ex nya. Ako namang si tanga ginawa nga yon hindi lang e pagpapabrace kase hindi pwede (pustiso ako e)

Tanda ko pa nung sinabi nya nitong nakaraang bwan lang "pag nagpabrace ka babalikan kita"
Ghaaad ! hindi nga pwede di ba? So ayon po bestfriend nalang kami ngayon. Okay parin kami. Masaya naman ako kahit ganun lang kami. Pumupunta parin ako sa kanila at ganun din naman sya napunta parin sya dito samin 

Para sayo bes. Asan na yong pangako mo? Di ba galit ka sa mga taong di tumutupad sa promises? Bat ikaw mismo di mo tinupad? 
Basta yon pag nakamove on kana balik ka sakin ah Iloveyou 

Ps. Tanga na kung tanga pero mahal ko talaga 
Ps. maganda po ako at may nanliligaw sakin pero sya lang gusto ko
Pps. may nilalandi na naman po syang bago. Ingat ate girl sa una lang yan magaling
Ppps. Hahaha after 2 years babalik ulit mama at papa nya kasama sya para mamanhikan na yon ang sabi nila e.
Pppps. Monthsary natin dapat ngayon.

SECRET FILE SENDER:
Ate mong martyr
Cyl Alorie 

Others


Mar 29, 2018 at 7:52 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files