SECRET FILE: Para Sa Taong Hindi Ko Sinasadyang Masaktan


Feb 04, 2018 at 2:38 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang mga dapat kong sabihin.

 

Hayaan mo akong simulan ito sa paghingi ng pasensya sa lahat ng nagawa ko.

Pasensya sa naidulot kong sakit! Hindi ko naman talaga sinasadya.

Pasensya kung napaasa kita! Sinubukan ko naman ehh.

Sinubukan kong suklian yung pagmamahal mo saken pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang suklian o tumbasan.

Pasensya kung iniisip mong naging Rebound lang kita! Pero hindi naman ehh.

Hindi ko maisip kung alin sa mga nagawa ko ang makakapagsabi na naging Rebound lang kita. Yun ang totoo!

Pasensya na kung hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sayo! Pasensya na din kung hindi mismo sa bibig ko nanggaling ang katotohanan.

Hindi kita makausap ng personal kasi nahihiya ako. Dinadaga ako! Pasensya na. Mapatawad mo pa sana ako.

Hayaan mo ding pasalamatan kita sa lahat lahat ng nagawa mong kabutihan sakin. Salamat sa walang sawang pag-unawa mo sakin! Salamat sa pagsuporta sa lahat ng ginagawa ko.

Salamat sa care na ipinapakita mo. Salamat sa pagdulot sakin ng saya. At bukod sa mga yan, salamat sa Panda na gift mo sakin. That was the best gift I received so far!

Ilang beses man kitang binusted, nanjan ka pa rin. Pero hindi na tulad ngayon. Ilang araw na ba tayong walang pansinan. Ilang araw na din tayong hindi nakakapag-usap.

Alam mo bang miss na miss na kita! Pero wala akong magawa kasi ito na ata yung consequence sa ginawa kong katangahan.

Pasensya na talaga. Dahil mas pinili kong magpakatanga sa taong hindi ako kailanman mamahalin ng tapat at totoo. Dahil binalewala ko yung taong magmamahal sakin ng totoo at seryoso. Hindi ko alam kung gaano ko katagal pagsisisihan 'to.

Sorry. Pasensya. Patawad. At salamat sa lahat.

Secret File Sender:

BebeLoves 
Or. Mindoro
16


Feb 04, 2018 at 2:38 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files