SECRET FILE: Step Mother


Apr 11, 2018 at 6:09 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Kala ko ba pagdi mo ginagantihan ang isang tao sa mga nagawa niya sayo ay mananawa at titigilan ka na niya?

Bat ganun konting pagkakamali mo lang ay panibagong dagdag na naman sa galit niya?

Its not her fu*king business, Gagawin ko kung anong gusto ko.

Di naman ko naman siya pinapakialaman sa mga ginagawa niya ah.

Di porket asawa siya ng tatay ko ay may karapatan siyang magdikta samin at magreyna-reynahan sa pamamahay namin.

Wala pa rin siyang karapatan.

Lakas ng loob niyang awayin kaming magkakapatid, sumbong naman sa nanay, utusan at sabihan ng kung ano-ano tatay namin na kesho walang kwenta kasi di nabili ang gusto mo at inuna ang pagbili ng sariling sasakyan etc.

Eh minsan na nga lang niya pakinabangan yung SARILI niyang pera kasi halos lagi na lang napupunta sa pangangailangan niyong mag-iina.

Wala namang kaso sakin yung pagbili ng laruan ng bata at mga personal na gamit nila e, ikaw lang talaga, masyado siyang magastos kahit di naman kailangan binibili mo, pagnatripan mo.

Habang kami, hiyang-hiya Kay papa manghingi ng kahit 10. Inis na inis ako sa kaniya dahil di niya in-apriciate ang mga sakripisyo sa kaniya ni papa dahil mahal na mahal siya nito tapos sasabihan pang kung ano-ano.

Pero pagnakaharap si papa parang anghel sa sobrang bait tulad ng pinapakita niya sa mga kamaganak niya.

Na inaapi siya ng mga kasama niya sa bahay at ginagawa siyang katulong kahit di naman inaano o diba baliw lang?

Atsaka ikaw lang naman yung bigla-biglang maglilinis ng kung ano-ano sa bahay ah, di ka naman pinipilit tapos lakas mo ring manumbat.

Ang layo ng loob mo Kay papa pagwalang pera pero pagdating ng kinsenas e parang grabe kadaldal, kalambing kasi alam niyang may mapapala siya.

At congrats nga pala sa kaniya, sa paggawa niya ng kwento tungkol saming magkakapatid.

Abay napakagaling niya pala, she deserver an award for that.

Ginagawa mo ba yun para mang-intertain o sadyang libangan mo lang manira ng tao. Kung sabagay nakaya mo ngang sirain sila papa, kami pab?

 

SECRET FILE SENDER:

JO of Imus, Cavite
 


Apr 11, 2018 at 6:09 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files