SECRET FILE: Still Into You


Feb 04, 2018 at 1:37 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

"Nag start tayo sa pag kakaibigan, at ayokong masira yon."

 

Transfer ka sa school namen, didn't know na magiging kaibigan kita, Actually your my first guy bestfriend.Doon tayo nag simula, sa pag kakaibigan.

Madalas sabay tayo kung umuwi, pero walang something kasi hindi lang naman tayo yung nag sasabay pag uwi, anjan din yung mga kaibigan naten, pero sa pag lalakad tayo yung sabay kasi may tinuturo ka sakin na isang laro, na gustong gusto kong matutunan. Ikaw ang mentor ko don ee. Ikaw ang idol ko sa larong yon. Hindi siya yung tipikal na laro talaga ng mga lalaki, hindi siya basketball, volleyball or kung ano pa naman. Utak ang ginagamit. At ang galing mo sa part na yon, lahat nabubuo mo.  Hahaha.

I never thought na mag kakatotoo nga yung sinabi satin ng isa pa nating kaibigan, na "Ay ayang si Ano mag kakagusto yan jan kay (My name)" So to make the long story short, naging taga comfort muna kita nung mga panahong iniwan ako ng first boyfriend ko. Hindi mo ko iniwan, minura pa mo pa nga ng harapan yung exboyfriend ko, sinigawan mo pa. Haha anlaki kasi ng sapak mo ee, ayaw na ayaw mo ng makikita pa ko ng ganon, umiiyak at malungkot. Ikaw ang naging sandalan ko nung mga panahon at oras na yon.

Then eto na, October 16, 20**, nag confess ka ng nararamdaman mo sa kaibigan ko para sakin. Haha ang gulo ba? Basta sa kaibigan ko mo sinabi na may gusto kana sakin. So ayun nga, aminin ko man o sa hindi sa mga oras na ikaw yung kasama ko, sa apat na buwan kitang kakilala at naging kaklase, naging best friend, taga turo at taga comfort aaminin ko crush kita. Pero hindi yung ultimate na crush basta yung hanga lang ako kasi , ilang taon na akong napasok sa school pero never pa akong naka encounter ng lalaking katulad mo.

Hindi ikaw yung bastos mapa-salita man o gawa, ang gentleman mo, lahat ng imperfections ng mga kaklase natin pati ako lahat tanggap mo. Marunong kang makipag kapwa, friendly ka ganun. Andaming nag kagusto sayo, pero napakswerte ko na nung mga oras na yun dahil ako, sakin ka nag kagusto. Ayun hanggang sa nag tanong ka na sakin, at first nag aalinlangan ako kasi meron akong 3 month rule, pero sinabi mo na hayaan lang kita na manligaw kahit matagalan ayos lang. So pinayagan kita.

Kwento ko pa ba yung panliligaw mo? Haha. Kwento ko na nga sige, hindi pedeng mawala yun bongga ka kung manligaw ee. Sa First Boyfriend ko, never akong nakaexperience na bigyan ng hand written letter, hindi mo nga iisiping naging kami ee kasi hindi kami yung couple na makikita mong madalas mag kasama siguro nga dahil bata pa kami nun at hindi pa ganung kahanda para sa ganung relationship, dahil parehas narin naming first ang isat isa. Ayun so balik tayo saten, Araw araw walang mintis may mga sticky note sa desk ko, nakalagay ang mga greetings mo, na "Good Morning Mahal" "Good Afternoon po kumain kana ng lunch ha? sabay tayo" At hanggang sa "Ingat ka sa pag uwi Mahal, ihahatid kita para safe ka" Those simple greetings , make me feel so loved by you. Yung simpleng take care mo, nararamdaman ko na espesyal ako, na worth it din pala ako na tao. Ipinag dadala mo pa ko ng bag, kasi palaging mabigat ang bag ko. Ayaw na ayaw mo akong mag buhat ng mabigat lalo na pag may dalaw ako. Araw araw kang may surprise sakin, yung chocolates mong araw araw hindi nauubos, yung favorite ko binili mo sakin at araw araw akong may supply non. Kahit ayaw ko man, palagi kang nag iinsists na bilhin kasi gusto mong tumaba pa ako, ee ang chubby ko na nga papatabain mo pa ko. Ayaw na ayaw mo kasing pumapayat ako. Palagi mo kong sinasamahan san man ako mag punta, sabay tayong umuuwi araw araw.

Then one time, kasama kita non sa labas kasi nabili ako ng isa ko pang favorite, kasama din natin yung kaibigan ko. Sabi mo saglit lang kasi tinatawag ka nung kaibigan mo sa dati mong school so hinayaan kita aalis ka na non siguro mga 5 hakbang na yon papalayo sakin pero nagulat ako sa pag balik mo, hindi ko alam kung para san at bumalik ka, pero eto lang pala, sinabi mo lang na "Mahal, dito ka lang ha? Babalik ako. Iloveyou" Sabay alis. Hindi mona hinintay yung sasabihin ko, pero alam kong wala din akong maiisagot sayo kasi speechless talaga ako. Hindi ko alam kung gaano na kapula non yung muka ko kasi hindi lang yon bulong , yung normal na salita na pati yung tindera nakinig den. Hayst. One time nga pag pasok ko, yung mga kaklase naten ewan ko ba kung bakit ang aaga pumasok, kasi noong mga oras na yon wala pa gaanong tao sa school at hindi ko din alam na mapapa aga din ako, sa pag dating ko sa department/building naten ayun nakapila sila at may hawak na mga colored paper na may nakasulat na isa isa nilang pinabasa sakin sabay abot ng sandamakmak na roses. At sa huli ikaw, Ikaw Mahal yung nadoon bukod pa yung rose mo. May pag yakap ka pa nun ee, tsansing ka masyado. Haha Ansayasaya ng bawat araw na dumating, pero hindi ko alam na sa bawat saya pala palaging may kasunod ng kalungkutan.

Kinailangan kong pumili, Mahal na kita non. Pero hindi ikaw yung pinili ko, hindi kita kayang itago masyado kang showy to the point na ayokong ilihim ka sa mga magulang ko pero sinabi nila na wag daw muna akong mag boyfriend so napilitan akong patigilin ka. Gusto ko lang tong ilabas, kahit na hindi mo mabasa. MAHAL? pasensya ha? Kasi iniwan kita. Pasensya kasi hindi kita nagawang ipag laban noong mga panahon na yon. Pasensya kasi hindi ko sinabi sayong pinili kita, kahit na yung kasama ko ay iba na. At ngayon, wala ka na. Wala ka na sakin, pinakawalan ko yung taong mahal na mahal ko, at mahal na mahal ako, na ngayon ay hawak na ng iba. Hanggang ngayon mag kaklase padin tayo, at sobrang lapit na naman natin sa isat isa. May mga nangyayare noon na parang inuulit na naman ngayon. Mahal? Alam mo bang pinipilit kong mag move on sa ginawa mong panliligaw sakin, walang papantay sayo Ayos na sana ee, ginulantang mo lang ulit yung puso kong tuluyan ka ng nililimot at lahat ng nararamdaman ko sayo, pero bakit kinailangan mo pa ulit sabihing kapag wala ng kayo, sakin at sakin kapa din babalik kasi ako yung mahal mo, at natutunan mo lang siyang mahalin, pero ngayon Mahal mo na talaga. Higit kapa sa higit kaya hindi kita napang hawakan ng mahigpit noon Mahal. Mahal? Ikaw ang kauna-unahan kong tinawag ng "Mahal". Hindi ko maintindihan kung bakit pinaparamdam mo padin sakin yung mga ginagawa mo noon, sabay padin tayong umuwi kung minsan, Tapos kung may nag tatanong tungkol sakin ikaw ang sumasagot dahil kilalang kilala mo ako, hindi na nga ako maka-imik dahil ikaw na yung sumasagot lalo na sa mga lalaki. Hindi ko alam kung bakit ganun ka, andami mong ginagawa na katulad ng noon noong nanliligaw kapa. Hindi ako manhid para hindi makaramdam. Mahal? Wag mo na sanang paguluhin pa at bulabugin pa yung puso ko kasi ansakit sakit lang. Hindi naman kita lalayuan pangako yan . You're my once in a lifetime , at kung bibigyan ulit ako ng pag kakataon ikaw padin ang at ikaw na ang pipiliin ko. Second once in a lifetime kumbaga. Mamahalin kita ng higit pa sa noon,

"Kung mag sisimula ulit tayo bilang mag kaibigan, susugal ko na yung pag kakaibigan naten, para ipag laban ka at para mahalin ka. Hindi na ako matatakot na samahan kang lumaban. Kung noon, nag start din tayo sa pag kakaibigan, pero pinili kong mag kaibigan nalang tayo dahil ayokong masira yon. Ngayon, mag sisimula ulit tayo kahit mag kaibigan at pakakaingatan ko yon Mahal" You're my one and only Baby Mahal. You're my the best Best Buddy.  I was, I'am, and still loving you Mahal. 

Secret File Sender:
Mahal,
2016-2017
zprs'iht

 


Feb 04, 2018 at 1:37 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files