SECRET FILE: Teacher And Student Become As A Mother And Daughter With Each Other


Mar 29, 2018 at 7:30 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Grade 7 nasa first section ako ng Basic education curriculum sa school namin.Ang naging adviser ko ay English ang subject na tinuturo napakaganda at napakabait.

Makalipas ang dalawamg buwan naging close ko na po ang guro ko. Hindi sa pagiging sipsip kaya naging close ko po sya.Dahil po ako po yung isa sa parang naging assistant nya na student sa section namin,lagi po kaming nag tetenextsan or chat ng teacher ko po,may mga inuutos at kapag wala sya lagi at di papasok ako laging unang sinasabihan.

One time nga po nun tinext nya po ako na dalhin yung iba nya pong gamit sa bahay nila sinunod ko po medyo malapit po kaya nilakad ko po at kasama ko po yung isa kong classmate na babae,nung time na yun binigyan po kami ni Maam J.A.D ng ilang pirasong chocolates and 10 pesos na pamasahe kasi umuulan po . Hinati po namin ng kasamang classmate ko po yung chocolates and tig 5 po kami nung pera di po kami sumakay pauwi.

Ang 5 pesos po na binigay nya hanggang ngayon nasa saakin parin. Super saya ko po kasi sya ang naging adviser ko.Super close po naming dalawa. New year 2014 nga po nagkachat po kmi. "Sabi nya po gusto nya ako maging anak kung pwede sana". Si maam j.a.d po kasi ay may asawa pero wala pong anak. Kaya turing nya po sakin anak nya na.

Grade 8 1st section po ulit ako(english teacher din po ang adviser-si maam m.d.b) at ang room ko katabi po ang room ko po nung grade 7 kaya nakikita ko parin po si maam j.a.d lagi.At mas naging close pa po kami ni maam J.A.D as in super close. Halos araw araw po magkatext and chat."Nag iilove you and ingat lagi tinetxt ako ni maam pati po sya tinetxt ko po ng i love you and take care po maam." Nahahug ko po sya at nasasabihan ng problems ko po.

Grade 8 ako lagi ko po syang binibigyan ng gifts nung birthday nya po (damit,tumblr,chocolate,and letters)
Teachers day( damit,bracelets,letters,etc) at valentines ( leggings , letters ,atbp) .

One day sinabi nya po na' Mommy po itawag ko sa kanya [????] ' Mommy ko raw po sya forever' and di nya po ako makakalimutan "
yas ang happy ko po nun super.
Liit ( yun po ang tawag at pinalayaw nya sa akin) ako po kasi pinakamababa sa section namin nung grade 7 na advisory class nya.

Mommy prettt(Yun po ang tawag ko sakanya)

May binigay din po syang gift saakin
Nung december 2 , 2015 po letter,rosary,and prayers po.
Super saya ko po nun at natouch po aoo sa message sa letter nya po lalo na po sa last part"We may not be related by blood but for me you will always be my daughter liit.. lots of love,Mommy)

Ganun po kami kaclose ni maam kaya love na love ko po sya.Turingan na po nmin ay mag ina.May picture din po kami na magkasama na yakap yakap nya po ako. I love you po Mom.

Time passed :::
Pero ngayong grade 9 po ako medyo di na po kami close kasi malayo na po room ko at busy na po kaming dalawa lagi.
Bihira na lang po kami ang mag chat,text, at magkita.Feeling ko po di na nya ako naalala o kaya mahal.

Nagseselos din po ako sa ibang student nya for many reasons po. Wala po ako karapatan kasi student nya din po ako pero di ko po alam kong bat ganito nafefeel ko , naiintindihan ko naman po ang sitwasyon ksi alam ko po na madami talaga ang mag iidolize sa kanya bilang teacher ang bait at maganda po sya eh ,Magaling din magturo kaya ganun ang mga student po sa kanya.

Mommy pretty love na love po kita.Sana bumalik na po sa dati samahan natin. I'll never forget you po. Ingat ka po always mwaah. love you po.

Ang teacher pong ito ay Si Maam J A D nag tuturo po sya sa _ _ _ _.
Pero bat ako nag seselos ?
Tama ba ito?
ano pong dapat gawin?
Advice naman po please?ano po masasabi sa kwento po?

thanks for reading po .

SECRET FILE SENDER:


Liit?.
Student .


Mar 29, 2018 at 7:30 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files