SECRET FILE: TOTGA


Mar 29, 2018 at 6:29 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Tinanong kita noon kung kaya mo bang maghintay. Sabi mo, oo.

Sabi mo hihintayin mo kong matapos mag-aral. Hihingin mo ang kamay ko sa mga magulang ko balang araw sabi mo.

I should have seen it coming. Gwapo ka, madaming nagkakagusto sayo.

Yung iba mas maganda pa nga sakin eh. Siguro nga naging kampante lang ako masyado na hindi mo nga ako iiwan.

Wala man tayong label, but I know it's there. Parang nakapangako na tayo sa isa't isa.

Bat di mo na kinaya? Ang tagal nga naman siguro ng pitong taon. Sabi mo sa pagdating ng college, pareho tayo ng university na papasukan kasi sabi mo ayaw mong malayo sakin.

Honestly di ko inaasahan yung mga nangyari. Of all people, ikaw yung inasahan kong di ako tatalikuran.

Natatandaan mo pa nung nagkasakit ako? Dude, di ko inakalang babantayan mo ko sa hospital nun ng isang linggo.

Sabay tayong nag absent nun. We shared everything, the pain, the happiness, daig pa nga natin yung ibang mag boyfriend at girlfriend eh.

Sabi ko nga, ano kayang nagawa ko para madesreve ka?

You don't drink, you don't smoke. Caring, Thoughtful, mama's boy (which I find very cute) gwapo, saka napakasipag mag-aral.

Sabi ng pinsan ko you're the kind of guy na mahirap abutin. But guess what? Naabot pa din kita.

Hey, I'm not writing this to ask you to come back. Siguro mababasa mo to.

Halos lahat na ata ng confession pages sinulat ko to eh. Sana nga mabasa mo. I just want you to know na, hindi ako nagsisising nakilala kita.

I'm really glad I met a guy like you, Geo. And I'm sure she's glad to keep you as hers now. Sana maging masaya kayo.

Buti pa siya kasi hindi ka niya papaghintayin. You can call her yours anytime. Pasensya na dahil mas pinahalagahan ko yung pangako ko kina mama na wag munang mag boboyfriend habang di pa natatapos sa pag aaral.

Mom knew about you though. She was actually starting to reconsider. Kaso bad timing, sumuko ka na eh. Okay na. Thanks for everything.

I wish naibalik ko pa yung mga bagay na ginawa mo para sakin. Too bad di ko na makakabawi sayo. I guess you don't need me anymore.

I hear she's pretty? Taga school mo daw. I'm glad na nakikita niyo yung isa't isa araw araw.

Things that we don't do anymore dahil nga lumipat ka na. Okay na siguro to. Medyo mahaba na eh hahaha sana po ma post.

And one last thing, You're the one that got away. Not me.

SECRET FILE SENDER:

FallOutGirl

Leyte
 


Mar 29, 2018 at 6:29 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files