SECRET FILE: Wag Na Sa Ex Mo, Please


Sep 15, 2018 at 10:29 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

M, Bakit yung ex mo pa din pinili mo?

 

Bakit hindi nalang ako? Bakit?

Tinanong ko bestfriend mo. Sabi nya sakin, naawa ka daw sa ex mo kaya binalikan mo.

Puta! Sa sarili mo di ka naawa?

Hindi mo na ba maalala yung mga panahong binabalewala ka niya?

Na kapag nag aaway kayo iniiwan ka lang niya? Kahit nasa kalagitnaan kayo ng salosalo topakin lang siya, magwawalk out na?

Yung mga masasakit na salita na nagmumula sa bibig niya kapag nag aaway kayo?

Kapag may problema ka, hinahayaan ka lang niya. Akala ko ba ayaw mo na?

Ayaw mo na ng ganong pakiramdam. Oo mahal ka nya, ramdam ko yun.. pero mahal din kita.

At kaya kong gawin lahat para sayo. Mga bagay na di kayang gawin ng ex mo.

Napapatawa naman kita diba?

Hinahatid sundo tuwing papasok ka, nakakausap mo ko kapag may problema ka.

Ang sakit makita kang nasasaktan.

Okay lang kung di ako, basta wag na dyan sa ex mong tarantado.

SECRET FILE SENDER:

KuyaMo 2014

Tags :
secret

Sep 15, 2018 at 10:29 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files