SECRET FILE: Waiting


Feb 04, 2018 at 5:32 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Hi Chinchin, Kamusta kana? Bat di kana nagchachat? Busy ka? Or may bago kanang iba?

 

Naalala mo, magte10 months na sa December 19, 2016 na wala na tayo. Na break na tayo. Na dina mababalik yung dating tayo. Yung meron pang matatawag na ikaw at ako. Pero alam ko namang dimo na natatandaan yon.

Andaya mo Chin, Sabe mo kase magiintay ka. Sabe mo kase ako lang. Sabe mo kase tayo na hanggang dulo. Sabe mo kase, wala ng makakapaghiwalay saten. Sabe mo kase ako na babaeng pakakasalan mo. Sabe mo kase kahit may topak o masungit ako, mamahalin mo paren ako.

Hello! 10 months ng nakalilipas pero dipa den ako nakakausad. Simula nung umalis ka, naging gago nako. Inom, yosi, gala at pati pagaaral ko napabayaan kona. At lahat ng yon nasira ng dahil lang sa pagalis mo.

Okay naman tayo nung una diba? Okay na okay. Sweet na sweet. Pero bat ganon naman babe? Andaya mo. Okay na tayo, pero bakit nakikipaghiwalay ka? Nung una, tinanggap kong dalawa kame at sabay mo kameng minamahal. Okay lang kahit may kahati ako sa oras mo.

Ang mahalaga nasa tabi paren kita. Lumipas ang mga araw naging cold ka! Nawala na yung lambing mo. At sabe ko sa sarili ko, "Fucktard. Eto na kinakatakot ko, eto na yung time na iiwan mona ko siguro" Dun ko din binuhos yung iyak ko. Dun ako nagsimulang maggago at gawing miserable buhay ko.

My message for you:

Hi Pachinchin.
Kamusta kana? Okay ka lang ba? Sana okay ka lang. Ingatan mo sarili mo ha? Wala ako sa Manila para ingatan at alagaan ka. Wala ako diyan para iparamdam kung gaano kita kamahal. Wag kang magaalala okay lang ako dito no! Masaya ako para sayo. Pero di ako masayang hawak ka ng iba. Gusto ko kase ako lang. Kaso madaya ka. Haha. Super daya mo.

Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal parin kita. Alam kong parang wala nalang ako para sayo. At naiintindihan ko yon. Sana sa magiging future girlfriend mo, Hey? Alagaan mo si Chinchin ko ha? Wag mong papaiyakin yan. Napaiyak kona yan nung nageffort ako. Sana ikaw lagi mo siyang pasasayahin.

Lagi mong iparamdam kung gano mo siya kamahal. Kase swerte ka at ikaw naman yung mahal niya. I'm still waiting for you Chinchin. Iniintay parin kita. At kahit kaylan magiintay ako sa pagbabalik mo, kase may iniwan kang pangako na

"Babalik ka sa tamang oras, at tamang panahon" Alam kong matagal payon. Pero kahit anong mangyari. Iintayin at iintayin parin kita.
- ILOVEYOU.

Secret File Sender:

Alyssa Sta Ana

BabeLiit.
16
Nueva Ecija


Feb 04, 2018 at 5:32 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files