SECRET FILE:Sorry Kung...


Jan 13, 2018 at 4:52 AM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Just For Fun

Sorry ....

Sorry kung pasaway ako, sorry kung mapride ako, sorry kung iniinis kita lagi, sorry kung lagi kitang inaaway, sorry kung naging girlfriend moko.

Paano ako makakabawi kung paulit ulit ko nlng nagagawa?

Gusto kung bumawi sayo, gusto kung mapasaya kita ulit, gusto kung magsimula tayo sa kung paano tayo nagkakilala nung mga panahong may kilig pa para sa isa't isa. Paano kung huli na.

Kasi may lamat na. inaamin ko walang dapat ditong sisihin kung hindi ako. gusto kung magpakatotoo.

gusto kung maging akin ka ulit. Kasi kahit tayo parin ramdam ko ung galit mo, ramdam ko ung pagtiis mo para saken, ramdam ko ung sakit na nararamdaman mo.

Hindi ko alam kung bakit kapa nag stay. Dapat iniwan mo na ako kasi wala akong kwenta pero heto ka nagtiis kahit wasak nawasak na.

Gusto kung bumalik ulit tayo sa dati kasi naniniwala ako may pag-asa pa.

May pag-asa pang bumalik ulit tayo sa dati. pero bakit parang unti unti kanang bumibitaw..

please ethan, wag ka munang bumitaw.

Dito kalang muna sa tabi ko. wag mo muna akong iiwan marami pa akong mali na itatama.

Babawi pa ako sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko pa pala kayang iwan ka. Babawi ako sayo pangako yan.

SECRET FILE SENDER:
Ace, 2014, AIBF, Feu manila


Jan 13, 2018 at 4:52 AM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Just For Fun