"Sir Mike #excusemepo! Bat Ba Kayo Inuubo On Cam" #AskAway Mike Enriquez


Oct 21, 2014 at 9:06 AM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : Entertainment

Mike Enriquez took time out from his busy schedule to take over the official Facebook account of GMA News on Tuesday in the first-ever #AskAway. The 24 Oras anchor and Imbestigador host answered questions ranging from the mundane to the serious.

Leinad Cunanan: Sir Mike #excusemepo! bat ba kayo inuubo on cam?
 
Mike Enriquez: Totoong samid yun. Kasi pagdating ng 24 Oras, pagod na boses ko. Alas sais pa lang ng umaga may rpograma na ako sa DZBB. Apat na oras. Tao lang. Pero inaalagaan ko kalusugan ko. Dapat lahat tayo ganun. Turo ng lola noon . . .health is wealth!
 
Glenda Laurel Naz: Sir Mike anu po ang masasabi nyu sa same sex marriage?
 
Mike Enriquez: Hindi pa handa ang mga Pilipino na tanggapin at sumangayon sa same sex marriage.
 
Mi Hyo Song: #AskAway sir mike bkit nasabi ng autoridad na nagsisinungaling lng ung ung batang naholdap hbng nagtitinda ng tinapay? hnd po ba nila mahanap ung suspect?
 
ME: Mabigat na paratang yan. Sa kapakanan nung bata at ng katotohanan, dapat pagaralang mabuti ang mga facts ng istorya na yan bago tayo gumawa ng anu mang conclusion. Bilang isang mamahayag, bahagi ng pang araw-araw na buhay ko na suriin mabuti ang mga impormasyon bago ako gumawa ng anumang conclusion.
 
Ritchie Bien Madrid: Wla kapo ba balak subukan ang pulitika? 
 
ME: Wala po e. Hindi po ako na-e-excite sa pulitika.

 

Bong Gredona: Sir mike kailan ka po tatakbong presudente... ?
 
ME: Gustong tumulong sa bayan tulad ng dapat gawin ng lahat ng Pilipino. Pero sobrang marumi and pulitika dito sa Pilipinas. Ayoko maging bahagi ng kasalukuyang sistema. Mas importante na manatiling akong isa sa mga tagabantay ng ating demokrasya. Sali kayo!

Patrick Josh Valisno: Sir Mike, Will SMC Chairman Ramon Ang's Entry to GMA Network changing the news & entertainment department? #AskAway
 
ME: I can only answer as a member of the News and Public Affairs Department. Our adherence to truthful, fair and balanced journalism is not dependent on the ownership structure of our Network. We will remain "walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang." Hey people, thank you for trusting GMA.
 
Ahmad Sharif: Just a suggestion why they shouldn't put or add more policemen each one of them have their own car like here in saudi 1car 1 police on the streets to lessen the crimes and for the safe of each filipinos.This should be the priority of the government.Here in saudi almost everywhere there is a police behind you and cameras everywhere and everybody got scared.Thanks my wife always watching imbestigador and other gma programs.
 
ME: Good point. We here in the Philippines lack many things to be able to follow your recommendation. We lack funds. We lack resources. We lack discipline. And we lack political will.
 
Blair Bandola: Sir mike, bakit po ba kapag Mayaman at sikat ang involve sa kaso tinutulungan ng DOJ at NBI? Samantalang ang mga hindi kilalang kaso kagaya ng edejer masaker sa pampanga, hanggang ngayun hindi p umuusad? Ang hustisya po ba ay para sa sikat at maykaya?
 
ME: Dito sa Pilipinas malaki ang lamang ng mayayaman at malaki ang pagka dehado ng mahihirap. Sa batas, sa oportunidad, sa pagunlad at maraming iba pang aspeto ng buhay. Kung baga sa sasakyan, ang kailangan ng ating bayan at ng ating lipuna ay OVERHAUL! Pati na sa kultura natin.
 
JL Limbaga: Ano po ba ang pinakauna at pinakahuling ginagawa ng isang Sir Mike sa pang araw-araw na buhay?
 
ME: Nagtratrabaho. Nagbabalita ng totoo. Nagseserbisyo ng totoo. Sa gabi, nagpapahinga. Pag weekends, nakikipag date sa asawa at dalawang alaga naming aso - isang poodle at isang maltese. Okay na yun. Sa wikang Ingles - simple pleasures.
 
Joshua Ryan Salaveria: Is your voice insured? How well do you take care of it? Genuinely curious here. 
 
ME: Voice rest at every opportunity. Passion for what I do. And lots of gratitude to the Lord for giving me good health.

Kristine Ann Fernandez: Is chivalry still relevant today?
 
ME: It's there Kristine. Yun lang nga, you need to look harder for it these days compared to when my parents and grandparents were still alive. But trust me. It's there. Keep the faith!
 
Audrey Mae Domasian: Ano po ang pinaka-unforgettable niyong news coverage? More power! 
 
ME: Dami! Live reporting from Baghdad sa Iraq. Cory Aquino in the White House and the Vatican. Funeral of JPII. Cherry Hills tragedy. Basilan siege. Ang dami! But more importantly, I treat all assignments as equally important. You guys deserve that kind of work ethics from journalists.
 
Glenda Laurel Naz: Sir Mike maaari p bang ibalik ang death penalty sa ating bansa?
 
ME: Pwede pa kung yun ang magiging pasya ng ating mga lider.
 
R Anthony Baldea Almonte: #AskAway Sir Mike, bakit po ba ang sikat ng mga shows ninyo? Lalo na ang #24Oras ano po ba ginagawa ninyo?
 
ME: Sa lahat ng ginagawa namin sa mga programa namin, parati naming tinatanong: Magugustuhan ba ito ng mga nanonood at nakikinig? Makakatulong ba ito sa audience?

Maxima Corpuz Jaucian: Sir Mike, kailan kaya puedeng wala ng mhirap, wala ng nagugutom, wala ng gyera at pantay pantay nalang lahat? Puede ba yon?
 
ME: Mahirap po yun pero hindi imposible. Kahit nung buhay si Kristo meron nun. Pero huwag tayo mawalan ng pagasa at huwag tayo susuko sa laban. Pakinggan n'yo ang isa sa mga paborito kong awitin - "Imagine" by John Lennon.
 
Kean N. Torres: Good afternoon po sir mike ano po yung tipo ng music ang pinakikingaan inyo po? Do you also listen to pop music especially westlife songs? #askaway
 
ME: Sa maniwala ka o hindi . . lahat! Classical, oldies, standards. jazz, rhythm and blues, rock, disco and yes - Westlife including "Evergreen". Happy Listening!

Source: GMA News


Oct 21, 2014 at 9:06 AM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : Entertainment