WATCH : An Aldub Fan Created A Music Video Dedicated To Aldub, Alden And Yaya Dub


Oct 04, 2015 at 7:29 PM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : Just For Fun

MANILA, Philippines - How much of a fan are you of kalye serye's Aldub? Read on as we interview an Aldub fan who created a music video dedicated to Aldub (Alden and Yaya Dub) and to the staff of Eat Bulaga's Kalye Serye.

Omar Punzalan, "John Mayor", is the genius mind behind "Totohanin Natin".

Totohanin Natin is a song about the love between Alden and Yaya Dub in Eat Bulaga's KalyeSerye Aldub.

Despite the financial stuggles, this didn't stop Omar from producing the said music video. From the help of his family and friends, he was able to pull off a 4-minute music video with hopes that he will be able to inspire people and that this video would reach Alden and Yaya Dub.

Read on as Omar Punzalan "Johhn Mayor" answered our interview question:

"Si John Mayor ay isang indibidwal, isang alagad ng sining. 

Ang Totohanin Natin ay isang awit ng pag-ibig, na hango sa kwento ng mahal kong loveteam na ALDUB.

Naisulat ko yung kanta sa loob ng 15mins, after manood ng KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Inareglo at nirecord namin ng pinsan ko yung kanta. At natuwa naman kami sa kinalabasan.

Dahil ako ay isang tagahanga ng ALDUB, wala akong ibang naiisip na kosepto para sa video ng kanta, 
kundi ang splitscreen, gaya ng palagi nating nakikita sa ALDUB sa KalyeSerye.
Lahat din ng mga nakasama ko sa video na yun eh fans din ng ALDUB, kaya masaya kaming lahat during shoot.

One shot, one take yung video, kaya saglit lang namin shinoot yung take na yun.
Although, maraming beses kaming nagpaulit-ulit hanggang sa magkaron kami ng perfect take.
Mas mahaba pa ang pre-prod, rehearsals at pag-aayos ng mga props, kesa dun sa mismong take na yun.

Para sa kin, isa sa pinakamalaking challenge sa pagbuo ng video ay yung budget. Hahaha!
Mahirap magsimula ng ganitong video, na kailangan ng location, props, actors, ng walang budget.
Sobrang thankful talaga ako dahil maraming tumulong sa kin sa budget, pangunahin na parents ko.
Isang challenge pa eh yung halos ako lahat ang abala sa lahat, mula sa pag-iisip ng concept,
paghahanap ng actors, paggawa at pagpapagawa ng props, paghahanap at pag-aasikaso
ng permit para sa location, at marami pang iba. Kaya nagpatulong na ako sa mga kaibigan ko,
inobliga ko na sila na tumulong sa kin dahil nahihirapan na ko. Hahahha! Buti na lang tumulong sila.

Dedicated yung song at yung music video, syempre sa ALDUB, 
kila Alden at Yaya Dub, at syempre sa bumubuo ng KalyeSerye at Eat Bulaga.
Para sa kanila talaga yun eh, dahil sa sobrang inspirasyon na naidulot nila sa kin.
Nung inilabas ko yung music video, tinaon ko sa 11th Weeksary ng ALDUB. Regalo ko sa kanila.
Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na mapapanood nila yung video na gawa namin, para sa kanila.
At syempre para rin sa lahat ng fans ng ALDUB, ang AlDubNation. Sana magustuhan din nila.

Alden at Maine, maraming salamat sa inyo, inspirasyon kayo, di lang sa kin, 
kundi sa maraming marami pang tao na sumusubaybay sa KalyeSerye.
Sa lahat ng bumubuo ng EAT BULAGA, mabuhay po kayo! 
At sa mga sumisira naman sa EB, wala lang, naalala ko lang kayo. Hahahaha!

Gusto ko rin sanang magpasalamat sa lahat ng mga nagmamahal at tumulong sa kin.
Maraming maraming salamat sa inyo. 
At sa lahat ng nakarinig at nagkagusto sa Totohanin Natin, salamat sa inyo mga tropa!
"

 

Official Music Video of TOTOHANIN NATIN by JOHN MAYOR

John Mayor
Totohanin Natin

Ang kantang Totohanin Natin ay isang awit na naglalaman ng mga letra tungkol sa pag-ibig, hango sa kwento ng sikat at mahal naming loveteam na ALDUB.

Si John Mayor ay si Omar Punzalan

Nirecord sa Sumata Sounds Studio
Drums by Eric Strange

Director - Omar Punzalan
Choreographer - Billy Pasion
Cameraman - Ram de Guzman
HMUA - Lovely delos Reyes
Alden - Ron Tan
Yaya Dub - Sophia Lucas

Follow John Mayor at:

Facebook : https://www.facebook.com/John-Mayor-882588401790742
Twitter : http://twitter.com/MayorOmarClap
Youtube : https://www.youtube.com/channel/UCYLOYNRPaGqr2plzAMZtsSg


Oct 04, 2015 at 7:29 PM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : Just For Fun