A student, on his way to school, took an unusual LRT route called the VIP route in order to reach his destination on time. But before even reaching his destination, he got scared and board off the train. To his surprise, less people where seen on the streets. This marks the start of his adventure.
LOOK: Commuter Took The VIP Route Of The LRT, Marks The Start Of His Adventure
Jun 13, 2017 at 9:15 PM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : Just For Fun

Hello. Share ko lang po 'yung experience ko last Friday para po sa mga sumasakay ng LRT, lalo na po 'yung mga nadadaan sa D. Jose or Recto station.
Maaga po out namin last Friday from school dahil orientation pa lang sa first week of classes. So, I decided na bumili na rin ng bagong bag since back to school na. Pumunta akong Recto kaya lang wala akong nahanap kaya naisip kong bumalik na lang sa Monumento. Doon po ako sa D. Jose sana sasakay ng LRT nang maalala ko 'yung sinabi sa 'kin ng kakilala kong may ticket vending machine na naglalabas ng "VIP" tickets para sa mga gusto ng rapid transit.
So, sinubukan ko pong bumili nung VIP ticket kahit mas mahal. Kaso hindi ko maintindihan instructions on-screen kasi nakasulat siya katulad sa mga napapanood ko sa mga KDrama. Opo, naka-korean characters po siya. Nakabili naman po ako ng ticket, though medyo iba ang design niya compared sa usual ticket.
Tapos sumakay na po ako ng LRT kaya lang nagtaka ako kasi bigla siyang dumaan pa-underground parang may pinasukang tunnel kasi dumilim po sa labas. Then hindi rin masyadong siksikan sa loob at parang mga koreano lang po ang mga nakasakay. Kinakabahan na po ako that time kasi parang mali 'yung nasakyan kong train. Sa sobrang kaba ko sa Balintawak na po ako nababa imbis na Monumento.
Then pagakyat ko po sa foot bridge, parang malinis na po at walang mga tao. Bumaba po ako at naglakad pabalik sa LRT Monumento kaya lang laking gulat ko po kasi napalitan ng parang palasyo yung statue sa gitna ng circle. Marami pa pong nangyari afterwards na weird at unexpected. Kindly check the pictures na lang po for more details.
Basta beware lang po sa mga "VIP" ticket vending machines na 'yun. Hindi lang po sa D. Jose baka sa ibang stations pa po. Hangga't maaari mag-beep card na lang or bumili ng ordinary ticket for your safety na rin. 'Yun lang po sana makatulong po. Salamat po.
Hello. Share ko lang po 'yung experience ko last Friday para po sa mga sumasakay ng LRT, lalo na po 'yung mga nadadaan...
Posted by Kenneth Cabacungan on Monday, June 12, 2017