Private Vehicles With Less Than 4 Passengers Passing By EDSA To Be Apprehended


Sep 09, 2015 at 4:00 AM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events

MANILA, Philippines - The government is considering to apprehend private vehicles with less than four(4) passengers who are passing by along EDSA.

"Kinokonsidera na ng pamahalaan na ipagbawal sa EDSA ang mga pribadong sasakyan na bababa sa apat ang sakay.

Sa budget deliberations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa hirit nilang budget para sa 2016, sinabi ni Secretary Rogelio Singson na may ilang solusyon silang sinisilip para maibsan ang problema sa trapiko sa EDSA.

Aniya, seryoso nang inaaral ang pagpapatupad ng carpooling sa EDSA kung saan ipagbabawal at huhulihin na ang mga pribadong sasakyan kung hindi aabot sa apat ang sakay nito.

Paliwanag nito, maaaring dumaan sa ibang ruta ang mga sasakyan na iisa o dalawa lang ang sakay.

Isa pa sa solusyon na naisip nila ang pagdagdag ng mga pampasaherong bus. 

Pinagninilayan na ang pagdadagdag ng express bus na biyaheng Trinoma-Makati na pwedeng alalayan ng Highway Patrol Group para mas mapabilis ang biyahe.

Solusyon din aniya ang ipinapatayong Skyway 3 para sa mga sasakyan mula North Luzon Expressway (NLEx) pa-South Luzon Expressway (SLEx) bagama't sa 2018 pa ito matatapos.

Aabot ng P391 bilyon ang hirit na budget ng DPWH para sa 2016. -- ulat ni Junry Hidalgo, Radyo Patrol 31
"

Do you think that this solution will help ease the traffic along EDSA? Share your thoughts by commenting below.

Source: DZMM


Sep 09, 2015 at 4:00 AM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events