Flying Ipis and Squid 9 guitarist Ymi Sy together with filmmaker and Communications Director of Dakila Cha Roque, fights for their rights against harassment and gender discrimination. The two were recently involved in a brawl at Saguijo when a guy tried to harass them.
Saguijo Brawl: This Is What Happens When A Guy Cant Take 'no' For An Answer
Jun 18, 2017 at 11:18 PM
Posted by : Pinoy Secret Writer
Filed Under : News & Events

This is what happens when a guy cant take “no" for an answer.
Guy was wearing a shirt saying “pera bago puta” and his line before he was taken to the barangay was “Ang yayabang ng mga tomboy dito." MISOGYNISTIC DOUCHEBAG.
Ymi Sy and i were hanging out with friends at Saguijo (ticketing table) after the gig when a guy approached us and asked for a photo with Ymi. He was trying to be touchy while taking the selfie so I said, “Ako na lang magpicture para hindi mo na sya aakbayan.” That scene ended well and then he approached us again and bought Ymi a beer that she did not accept and just placed on the table. Guy wouldn’t leave our table even after I directly told him to get away from my girlfriend and fuck off. (Side note: apparently he doesn’t know what fuck off means and thought I was asking for it. Pucha.) He stayed beside Ymi even after countless times of telling him to transfer somewhere else. I took a photo of him. His friend, who seemed sober, asked why I was taking a photo when the guy is not doing anything. I told sober friend to just take guy away but he did not respond. I called Kuya Pete’s attention and asked him to tell the guys to leave which he did but guy persisted on staying just to finish his beer. Minutes after, he got into a heated discussion with Ymi when she confronted him directly and asked him to go. It was when Ymi threw a tissue at him that he snapped and threw two punches at her (during this time they were outside Saguijo’s gate). I ran to them and tried to pull Ymi away, he punched me on my left cheek before giving Ymi another punch. This was when roadies and other Saguijo people ran to us.
He was already running away from the scene so Ymi ran after him and pulled him back to bring him to the police. Rolly and Jerry (Locked Down roadies) took a hold of him. Suddenly there were a lot of youngsters (who we don’t often see at saguijo. We’re assuming they are friends with him and live near the area). There was also this pushy girl who kept trying to talk us into resolving the matter.
A roving barangay mobile saw us, intervened, and took us to the barangay hall where we found out that the kid was ALLEGEDLY 17. He does not have any identification with him, no phone, no wallet. Our suspicion is that he is not 17, knows the way to get through shit like this, and asked his friend to take away his belongings so he cant be identified. After the barangay, we headed to the police station where all his “friends" miraculously disappeared.
This was followed by a 4-hour waiting time at the Ospital ng Makati where we had tests and xrays done, and to acquire a medico legal. Instant 4000 pesos expense for shit service and ridiculous piece of paper that does not even have the findings.
Last stop was the police headquarters where we were taken to the women’s desk. The officer sounded more like she was threatening us about the possibility of the kid pressing charges against us since he was also hurt and he’s a minor. What a time to be a woman!
The day ended up with the kid being brought to DSWD for further assessment. If they assess that he has discernment at his age, we can press charges. If not, we cannot sue him.
Situations like this will make you realize why people just decide to settle. It took us 12 hours from the brawling to getting home. It was exhausting. What’s more exhausting is finding out this guy might just get away with everything.
If you’ll ask us why we did not leave our table, it was because we don’t want to be pushed away by shit and adjust to assholes like him. If you are curious, of course Ymi and I were able to hit him back. Maybe our punches weren’t as powerful as his but i believe we proved a point. We don’t just let people push us around. We fight back, together.
About the case: we’ll wait for the DSWD assessment and review the best next steps to take. We’ll need all the advice we can get.
Update: The guy is not a minor. He is 25 and he gave the police a fake name during the night of the incident. We are...
Posted by Cha Roque on Saturday, June 3, 2017
Updates!
June 4: HINDI siya minor. At false identity ang binigay niya sa authorities. Alam na namin ang totoong identity niya (real name, address, age).June 16: Maghapon kami naghintay sa Makati Police HQ para ma-inquest na sana ang suspect. Pero dahil hindi sumipot ang 2 arresting officers ay hindi na natuloy ang inquest kaya nirelease na siya today. Pinost ko dito ang litrato nya dahil Fete de la Musique bukas, at gusto kong mag-ingat at i-warn kayo na baka lumaboy na naman to sa eksena at mang-harass at manakit na naman siya ng ibang tao.
---------------------
GANITO ANG VERSION KO NG PAGIGING BABAE SA MAYNILA.
Pasensyosa ako kung tutuusin. Minsan ayoko na nga lang lumabas at mag-bike para makaiwas sa pangca-catcall ng tao, but on other days kaya kong habulin ka ng bike at baragin ang side mirror ng kumukupal sakin. Pero in general, kaya kong habaan ang pasensya ko para hindi masira ang vibe at araw ko.Tumugtog kami nung Friday sa saGuijo at sobrang excited ko kasi ang tagal tagal ko nang hindi nakatugtog don. Bukod don ay magkikita kami ng isang kaibigan na matagal ko na ring hindi nakita. Pagpasok ko ng bar, andon sila Nikki at Jercee, dalawa sa mga paborito kong tao sa eksena. Sobrang ganda na ng pakiramdam ko, sabay ang ganda ng tugtugan at kwentuhan, at syempre ng landian namin ni Cha.
Pagkatapos ng set namin, lumabas ako as usual para magpahangin at magyosi. May isang lalake na lumapit para magpapicture, sinabing ang galing namin and all. Halata namang nakainom na siya at napansin ni Cha na nagiging touchy sya kaya sinabihan sya ni Cha na “Ako nang magpipicture sa inyo para hindi mo na sya hahawakan”. May gut feeling na hindi talaga saGuijo customer tong lalakeng to tapos tiempo namang natanong ni Cha na “Di ba ikaw yung nagbanyo na hindi naglock?” Umoo naman si lalake at sinabing “Oo, sorry ha, hindi ko kasi alam na pambabae yung banyo na yun eh”. Tapos umalis na siya ulit at carry on kami sa pagyosi at pagkwentuhan. Sumandal kami ng kaibigan ko sa isang wall tapos lumapit ulit tong lalakeng to at this time ay pinakilala nya ko sa mga kasama niya na tropa nya raw ako. Panting ang tenga ko dahil ayokong tinatawag akong tropa ng hindi ko kakilala. Pero pinalagpas ko muna dahil ayoko masira ang vibe.
Lumipat kaming tatlo ng kaibigan ko at ni Cha sa kanan ng gate kung saan nakaposte ang mesa ng gatekeeper. Inaantay nalang namin ang Uber ng kaibigan ko tapos nag-iintay nalang din kami ni Cha dahil makikisabay kami kay Jigger. Dumaan yung lalake at nagsabi na “Uy ano beer mo? Kuha kami sa loob eh, ikuha na rin kita ha”, nagsabi at naggesture ako na solb na kami sa pag-inom. Bumalik siya at inabot ang Red Horse, at pinatong ko nalang sa mesa dahil solb na ko talaga e. Tas sinabi ng kumag na to na “Dito muna ko sa tropa ko”. Strike na naman siya kaya sinabi kong:
Y: “Teka lang ha, una sa lahat hindi kita tropa. Isa pa lumipat ka nalang kasi pinasok mo na yung personal space ko.”
L: “Ito naman oh, nagbayad naman dito sa bar ah, binili ka na nga beer e. Penge naman nyang yosi mo…”
Sabay hablot sa kamay ko ng lit na yosi. Sobrang naburat ako sa ginawa niya kaya sinabi ko sa kasama nya na “Alam mo ayain mo na tong kaibigan mo don sa kabilang wall kasi nang-iinvade sya ng espasyo eh.” Sabi nya “Hindi oks lang naman yan”. Inalok nya sakin yung yosi nya kapalit ng inagaw ng kaibigan niya. Sabi ko “Hindi ko tatanggapin yan dahil ginagawa niyong kapalit yan sa pagstay niyo dito eh”. Nakita namin si Kuya Pete kaya umorder ako ng beer para lang may dahilan na lumapit siya at sabihin na paalisin na yung mga lalakeng yon dahil nanghaharass na sila. Sinabihan sila ni Kuya Pete pero sinabi nung kumag na uubusin lang niya yung beer. Nagtangka si Cha na itapon na yung beer na inabot nila pero sobrang nanghinayang yung kaibigan kaya kinuha nya agad sa kamay ni Cha. Eto rin yung time na paulit-ulit na ang diskusyon namin nung kumag na umalis nalang siya pero pilit niyang sinasabi na uubusin niya lang ang beer nya habang nakasandal na sya sakin. Cinonfront na rin sya ni Cha dahil ayaw talagang umalis pero umangal lang sya at nagpasaring ng “wag ka nga magdamot sa GF mo, bitch”. Humarap ako sa kanya at sinabihang "Hoy ulitin mo nga yung sinabi mo." Ang tanging isinasagot niya ay "Ano, wala pa namang ginagawa sayo ah." Inulit ko na lumipat na kasi sya dahil hassle na sya samin at hindi kumportable yung pagdikit niya sakin, hinagisan ko sya sa mukha ng piraso ng tissue na pinantakip sa bibig ng beer at biglang nalang tumalsik ang ulo ko at katawan papuntang kalye dahil hinampas niya ako ng bote sa kaliwang mukha. Sumunod agad ang isa pang suntok sa kanan ng mukha ko. Dinig ko yung palapit na boses ni Cha tapos nahagip ng tingin ko yung pagsuntok nung kumag sa kaliwang mukha ni Cha.Nalaman kong hawak ko pa rin yung beer na inorder ko kaya hinampas ko sa pagmumukha nung kumag. Binitawan ko at sumuntok pa hangga’t kaya ko abutin ang ulo niya. Ito na rin yung time na lumapit na ang roadies at mga kaibigan para umawat, narestrain nila pero nakatakas si kumag kaya hinabol ko sya habang sinabing ipapupulis ko syang hayup sya. Naabutan ko sya at hindi ako naglet go sa t-shirt at buhok niya dahil nagpupumiglas na sya para tumakas. Biglang dumami ang tao mula saGuijo at mula kung saan man nakatambay yung katropahan nung kumag. Good thing na natyempong dumaan nag roving tanod at dinala na kami sa Brgy. Hall.
Tinatanong sa barangay si kumag kung ilang taon na sya. Nakakatulog na sya halos sa kalasingan at hindi niya masagot ng maayos yung tanong. Ni wala syang wallet, ID, o phone para makacontact ng kasama pero nasa labas yung buong katropahan niya pero ng taga-baranggay ay hindi sila counted, dapat ay kamag-anak. Sabi ko na i-blotter lang natin yan rito tapos didiretso tayo sa pulis. Kaya after mablotter ay rumekta kami sa police station kung saan natulog ulit si kumag. Dito rin niclaim ni kumag na 17 lang raw sya, at protocol na i-trato siyang minor kung i-claim niyang minor sya. Kinailangan ng medico legal para maforward sa investigation dahil pursigido kami na magsampa ng kaso laban sa pinaggagawa niya.
GANITO RAW KAMI SA MAKATI.
Ilang oras kami naghintay para ma-escort kami papuntang ospital dahil walang ibang pulis sa station ng Palanan, so in the end ay yung mga bantay bayan (tanod) ang nagdala samin sa Ospital ng Makati para gawin lahat ng physical tests at maka-acquire ng medico legal. Sinabi samin ng desk person ng ospital na walang babayaran si kumag pero kami ni Cha ay magbabayad. Questionable talaga to kung dahil ba suspek sya o dahil niclaim na minor sya o dahil taga-Makati sya, pero nag-agree nalang kami para lang magcarry on na ang proseso. Pinaghintay kami sa isang kwarto sa ER kung san iisang lugar lang ang mga pasyenteng may mga open wounds at swero at ang hugasan ng mop at mga basahan. Ang gulo gulo sa OSMAK hindi dahil sa dagsa ng pasyente kundi dahil wala silang maayos na sistema. Ilang beses namin kinailangan ibigay ang pangalan at address at kaso kung kani-kanino (pati sa guard na hindi naman dapat pang pagbigyan ng ganitong impormasyon dahil nakaentra na kami sa desk clerk nila) dahil lang pala mali yung tinatak samin nung una pa lang, dahil sa poor coordination nila sa isa’t isa.Tumataginting na P4,000 ang inabot ng bill naming dalawa sa isang public hospital sa isa sa pinakamayamang lungsod sa Maynila. Tumataginting na P4,000 worth ng karumihan, kaguluhan, at incompetence ng ospital na kahit medico legal ang isinadya namin ay wala kaming nahita dahil medical certificate lang ang binigay samin, at sinabihan pang sa Makati Med lang ito ma-iinterpret ng doctor doon. Ni hindi rin kami nakakuha ng cash agad dahil down ang nag-iisang ATM sa loob ng ospital. Pareho kami pasyente ni Cha kaya wala samin ang pwedeng lumabas para magwithdraw. Buti nalang at 200 lang yung bill ni Cha kaya binayaran na muna nya yung kanya at saka nagwithdraw para madischarge na rin ako.
Pagkalipas ng maraming oras ng pag-iintay, sakit ng mukha at katawan, at pangamba sa medical expenses namin, chineck ko kung andon pa rin sa waiting area si kumag at mga escort nya pero alas! Hindi ko na sila mahanap sa buong ER!
Sinusukluban nako ng pakiramdam na ganito ba kahirap magsulong ng hustisya in general? At ganito na lang ba talaga ang sitwasyong kailangang pagdaanan ng babae na naharass, sinaktan dahil nanlaban against sa kagustuhan ng lalake, tapos kailangan mo pang igapang ang sarili mo sa buong proseso ng pagsusumbong sa authorities, paikut-ikutin ng mga incompetent personnel, mapagastos ka beyond your capability, at sa huli ay magpanic dahil akala mo pinakawalan lang ng basta basta yung suspect at nauwi lang sa wala ang prinsipyong pinaglalaban mo.
Nakita ko sila sa parking lot, buti naman di ba? Dinala kaming tatlo sa Police HQ at tinanong ng desk officer kung anong kaso. Sabi ng escorts namin ay physical injury pero minor ang suspect. Pinangiti ng desk officer si kumag kaya ngumiti naman sya. Sabi ng officer na, “sus hindi minor yan!”
GANITO PALA ANG NANGYAYARI PAG PAREHO KAYONG SANGAY NG WOMEN’S DESK.
Nirekta kami sa women’s desk. Nagpalahad ng mga kwento yung policewoman at nung sinabi ni kumag na minor sya at may mga tama rin sya ay sinabi samin na “Pwede kayong magsampa ng kaso at ie-endorse sya sa DSWD at ica-case study. Pero pag nakita nila na may laban yung bata dahil may mga galos din sya, pwede kayo i-counter charge ng child abuse.“Teka lang! Una nasa bar at umiinom si kumag, namimick-up at nanghaharass siya ng tao don, nanapak, tapos ngayon kami pa ang pwede sampahan ng child abuse?! Sa totoo lang nakakapanlumo yung sinabi ng police dahil don palang sa police station ay binabaliktad na nung kumag ang istorya, kaya pano kung pumanig sa kanya ang DSWD just because minor sya pero hindi io-honor yung pinaggagawa nya samin?
Sa ngayon ay detained sya sa DSWD Makati, at bukas pa namin mafo-follow up kung totoo ngang minor sya at kung nagbigay nga siya don ng ID or birth certificate. Otherwise, magkakaron pa sya ng isang kaso dahil nagsinungaling sya sa edad nya.
Despite ng lahat ng pang-iintimidate ng lahat ng tao samin sa buong pangyayari, decided kami ni Cha na isusulong namin to hanggang huli. Hindi ito bagay na palagi lang mangyayari sa bawat babae. Pasensyosa ako at kaya kong habaan ang pisi ko pero kasing haba rin nito ang kakayanan kong patulan at pabagsakin ang mga abusado.
Sa bawat kalalakihang ganito umasta at mag-isip, sinasabi ko sayo na makakahanap at makakahanap ka rin ng makakatapat mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay matatakot ang babae na tumanggi at magsalita para sa sarili nya. Hindi sa lahat ng oras ay babae ang iiwas, lilipat ng pwesto o magtityaga kapag hindi na kumportable ang sitwasyon. Hindi sa lahat ng panahon ay iigting ang misogyny niyo.
Sa bawat bira ng mga suntok nya, doon ko narealise na mas malakas pala ako kaysa sa akala ko. Hindi kami babae LANG. Babae kami kaya tantanan nyo kami.
* reference photo ng maayos na mukha namin.
Updates! June 4: HINDI siya minor. At false identity ang binigay niya sa authorities. Alam na namin ang totoong identity...
Posted by Ymi Sy on Saturday, June 3, 2017
Saguijo is a well-known bar in the heart of Makati in which is said to be the birthplace of some of the famous bands.
Catcalling, harassment to women and gender discrimination is a common issue in which people don't give much attention to. With such abuse in this, Ymi and Cha took the risk to fight for their rights amidst the controversies.
In the story they shared, it just shows how much of a burden a victim needs to face just to get the justice they deserve. From waiting for countless of hours and paying a huge amount for something not its worth, welcome to the justice system of the Philippines.