SECRET FILE: Confession Of A Head Nurse Version 2.0


Feb 11, 2018 at 9:18 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Nagising ako ng 4:17am.
Bumangon.
Takte.
Wala pala akong pasok.
Higa,Tulog ulit.
11:30am na.

4:17am. Ito na ang naging wake up call ko sa loob ng ilang taon –4:17 talaga, maiba lang. Pagpasok ng ICU, magchecheck ako ng CR, magchecheck ng basurahan tas magbibihis, tas check ng water dispenser, check ng ref tas diretso ng station tas go na, duty na – routine na nga kumabaga, nasa sistema ko na.
Hello. Ako nga pala si “Katy Perry” ang kilabot ng ICU. Hahaha! 10 taon na kong nurse at 10 taon na din ata akong kinakatakutan sa ICU sa madaming dahilan, pero 10 taon ko din minahal at iniyakan tong propesyon ko. But yes, I survived!

Upon graduating by the year 2007, akala ata ng buong sambayanan, pagkagraduate, pwede na magabroad. Dahil ang nursing daw ay sagot sa kahirapan! BUT NO. Sorry, isa akong patunay na hindi po madali ang lahat. A grad of nursing 2007, nagNCLEX, NagIelts, kumuha ng hospital experience, nagapply abroad pero takteng recession yan back to zero lahat ng plano -ah ang totoo talaga nagrerekalmo ako sa sweldo kong ‘di man lang umabot ng 5 digits. Oh well, case to case basis, but those who are starting from scratch, jusme, dadaan ka talaga ng butas ng karayom.

Hindi madali ang buhay ko sa hospital. Believe me, there were times I was dragging myself to go to work. Yung tipong nagmumura ako sa isip ko sa dami kong reklamo at sa mga problema ng mga taong di ko naman problema pero dahil nurse ako, eh problema ko din ang problema nila. Nakakadrain maging shock absorber. May times naman na Masaya, lalo na pag pasko, daming foods at ang dami pang give away sa hospital! Nung staff nurse pa lang ako, ang tanging problema ko lang eh paano ko masusurvive ang buong shift ko. Papasok ako at magduduty, tapos.Pero nung naging head nurse ako, pasan ko ang mundo .

At eto na ko ngayon. I’M LIKE A BIRD. Free. YEAH! Hahaha! The past few days sobrang halos araw – araw na ata nagsmudge ung eyeliner ko kaya nagdecide ako wag muna mag make up ng bongga. Salamat po sa lahat ng nakasama ko sa paglalakabay na to. Ibang klase. Ang totoo nyan, ICU helped me kung ano ako ngayon. Ang dami kong natutunan dito.Sinasabi siguro ng iba na ako ang dahilan kung ano man ng natutunan nila ngayon pero ang totoo, sila ang nagturo sa akin. Nakakataba ng puso pag nakikita ko ang mga kasama ko na pursuing their dreams bilang nurse tas sabihin sayo na part ka ng success nila. Grabe. Aware po ako na nakakatakot na ko madalas. Endorsement pa nga lang, wala pa kong sinsabi, takot na ata lahat. Dumadating na nga sa point nagtatanong na yung iba sino ang duty sa ICU, at pag ako, maghanda na. May mga nagsasabi din na “iba” sa ICU for some reasons na undetermined. But no one will understand until you become part of the team. Tumatawa din naman po ako, najojoke din naman po ako paminsan minsan pero kasi pag duty kasi talaga ako,duty talaga. Hindi pwede ang pwede na sa trabaho namin. Yes po napapagalitan din po kami sa loob kaya nga ang mga pagkakamali namin dati ay ayaw na maulit kaya kami strikto, kaya ako nakakatakot. Nakakatakot akong magalit, nakakatakot din ako magcomment pero I will never stop helping my staff on being the best in their craft, on letting them realize that they can. Lagi ko nga sinasabi na bago kang lubusang maging bihasa sa isang bagay, dapat matututo ka ng disiplina sa mga simpleng bagay – yun ang dahilan kung bakit dapat laging malinis ang CR at pantry. Bawal ang late at absent kasi ang bawat Segundo ng buhay ng pasyente sa loob ng ICU ay mahalaga, kailangan nila kami. Siguro iba - iba lang paniniwala natin on how we train and how we work but one thing’s for sure, mahal ko ang ICU.

Ilan taon ko din bago marealize kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko. Kaya siguro nung mga panahong umalis ako dati, di pa binigay sa akin ni Lord kasi alam Niya na di pa ko handa. Kaya bumalik ako. Una, nagtampo ako kay Lord kasi nakaapak na ko sa pangarap ng iba para sa akin pero ayaw pa sa akin ng mga sitwasyon. Hindi pa Niya binigay kasi I was still living the dreams of other people for me, on what others expect from me at hindi ito ang tamang panahon. Sabi nga ng iba everything was like easy for me. I get what I want in a glimpse. Kung alam nyo lang kung paano ko pagtrabahuhan ang bawat araw ng buhay ko. Hindi malinaw ang bukas para sa akin noon, because I was enjoying too much of my stay sa comfort zone ko. Pero isang araw, I started working on my dreams again, on making changes in my life and pursing my goals. Alam ko I need to move, so I made a great leap. I started working harder and I decided to be braver. Mahirap. It was a bittersweet journey, it was a journey of a lifetime.

Di ako perpekto. May mga panahon na nawawalan din ako ng pag –asa sa mga bagay na gusto ko kasi feeling ko ang hirap - hirap nila abutin. So I did not stop. I kept working on it. Abutin man ako ng taon. People questioned a lot about me, about my career, why am I still here and I would not give them definite answers. Maaring maraming nanghihinayang bakit nandito pa ko eh nurse pa naman ako, but I have my plans, I have my own strategy. It may take too long but it is all worth it. Ang totoo, wala akong PLAN B sa goal. I only have PLAN A. Kaya nung mga panahong di ko pa makamit yung goal ko, I started all over again and I can say I succeeded. Ang hirap sa una, kailangan ko mag- aral para sa mga kung anu – anong exam habang nagtratrabaho kasi pag tumigil ako sayang ang sweldo, I need to work hard for it. Kailangan ko umattend ng mga seminars para matuto ulit, para malaman ano pang mga bago sa linya ko at para maturo sa mga kasama ko kahit hectic sa sched ko, kailangan ko maglakad ng mga papeles, magresearch at kung anu – ano, kailangan ko magtrain ng staff, magturo, magprecept and all that but after all these, I gained my RN licenses in different states, I gained my “name” in my craft, I passed several exams, I undergone trainings, I got certifications, I gained recognitions, I got affiliates because I finally put a clearer vision of myself in the future at higit sa lahat nakapagdrive ako na di ko inaakala hahaha!. Hindi ito para iyabang ang anong meron ako, but this is to let you know na nahirapan din ako katulad ng iba. Hindi ko ito nakuha basta - basta. Hindi ito madali pero pinursigi ko kahit mahirap kasi gusto ko to at alam kong kakayanin ko. My support system was so strong in helping me achieveing all these. Ilan beses akong nadapa pero mas madami akong beses bumangon.

Kaya salamat sa mga taong naniwala sa kakayanan ko. If ever you are feeling down, umiyak ka hanggat gusto mo pero wag na wag kang susuko sa mga pangarap mo. Hindi lahat ng tao sa paligid mo, kailangan mong patulan, work in silence, work silently on your goals. Kung gusto mo yan talaga, the Universe will help you achieve it. Walang madali, dear. Walang shortcut pero palaging may paraan. Trust yourself that you can. Sabi ko nga sa mga kastaff ko, minsan isa sa mga effective way to succeed is to fail. Kasi pag nagkamali sila, papagalitan ko sila, tas matatakot sila tas di na nila uulitin then they will do better kasi alam na nila gagawin nila – hahaha! Pero seriously, DO NOT GIVE UP on your goals. . Even the best fall down sometimes. Believe that you can. Minsan talaga kailangan lang natin marinig sa ibang tao na kaya natin. Whatever you do, do what is kind and right. Be the best in what you do .

Sa pagpasok ng 2018, looking back, I am so grateful. Sa lahat ng recognition na natanggap ko na di ko akalain maaachieve ko, Salamat. Sa totoo lang ngayon lang talaga nagsink in yung Florence Nightingale award ko. hahahahhahah! Pati yung best area for X years! Hahhaah! Dahil po dun nabuhay ang funds namin! Hahahahahhaaha! Ang tunay po na the best ay ang mga taong tumulong sa akin maging kung ano ako ngayon kaya I am dedicating my success to those who have laughed and cried with me althrough out this journey.

To ICU, you will always have a special place in my heart. You are great leaders and you are doing great in you craft, continue saving lives. Remember your light has the ability to light others, Ignite the world. I am proud of you. I will see you again. I love you, mga dear.

So cheers sa ating lahat. If you feel you are stuck up with your life, think of me. 10 years in the making. Baka kayanin mo mareach ang goal mo less than that. Hahaha! Joke lang! Pray and do something about it, work on your goals. Kasi ang tunay na matapang, di sumusuko.

All the best! 

SECRET FILE SENDER:

Katy Perry version 2.0
 


Feb 11, 2018 at 9:18 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files