SECRET FILE: My Long Distance Love


Feb 04, 2018 at 6:13 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

First time kong magshare dito pero lahat ng isusulat ko ay walang halong biro so ayun nga Taga ILoilo ako dati lumipat lang kami ng Cavite nung nagkaroon kami ng family problem nag-aaway lagi si mama at papa,lalo na ako, kasi binubully ako sa School. Iniyakan ko si mama para lang lumayo dito sa Iloilo so ayun lumipat kaming lahat sa Cavite.

Nakalipat na kami ng Cavite , syempre panibagong buhay nanamn new house na new life pa, pinipilit ko pang mag move on nun kasi medyo masakit parin ang pangbubully saken. 3rd Yr. High School ako nung lumipat ako sa DNHS - main nagkaroon ako ng dalawang bestfriend na sobrang bait at caring,andyan palagi para saken lalo na kapag may umaaway sa aken.

To make the story short:
June 13,2015 pumasok ako ng maaga kasi palagi akong late may nakita akong lalake na kamuka nung crush ko sa Bacolod katabi lang sya ng room namin at kilala sya ng kaklase kong si danny so tinanong ko si danny kung kilala nya yung lalaking pandak ,maputi ,at cute na kakadaan lang sa room namin,sagot niya"ah oo kilala ko sya kaklase ko sya nung 2nd yr." So ayun nga nahalata ata ako ni Danny na may crush ako kay Mr.cute panay ako tanong about sa kanya kaya ito namang si Danny tinawag nya si Mr. Cute pinuntahan Nya sa classroom, ako naman tong taranta kung saan pwede magtago pero wala tinawag nya talaga.Pag labas ni Danny kasama niya si?????sino siya??? Napaka gwapong nilalang naman to!!!!!!!! Napa"oh my gosh " nalang ako (sa isipan ko) napaka pogi nyaaa! Ang una kong nakita ay yung Kilay nya! Ang pogi nya talaga! ang tangos ng ilong, ang ganda ng mata nya! Omg Hindi si Mr.cute ang tinawag ni Danny kundi si Mr. Handsome at sa araw na yun nakalimutan ko na di Mr. Cute. Pag-uwi ko ng bahay hindi ko malimutan si Mr.Handsome lalo na yung kilay nya [?] grabeh ngayon lang ako nakaramdam ng ganun, na feeling ko Crush na crush ko sya.

To make the story short;
Nung nalaman kong may Gf si Crush at kaklase nya pa, dun na nawala yung pagkacrush ko sa kanya kasi inisp ko na di nya naman kayang ipag-palit yung girl na yun kasi maganda ,maputi,matangkad,at napakabait nya kaya inisip ko na hahayaan ko nalang sila maging masaya mukhang masaya naman silang dalawa habang magkahawak ang kamay sa harap ko ;'( syempre masakit para saken yun, hinila ako ng bestfriend ko kasi nakikita nya kong selos na selos na sa kanilang dalawa. One week nalang ata ng pasok namin mag i'end na ang school yr. Nalaman kong Top 1 si Mr. Handsome sa klase nila bumalik nanamn yung pagkacrush ko sa kanya grabeh feeling ko ang perfect nya nahulog lalo loob ko sa kanya kaso naiisip ko din minsan na "pangarap lang kita na malabong maabot".


Last day nalang ng pasok nun medyo wala na ding pasok nun practice nalang ng mga graduating student nakatambay lang kami sa corridor ng mga bestfriend ko nung dumaan sya dun bigla nalang sya tinawag ng mga bestfriend ko at sinabing " mr. Handsome pwede daw magpapicture si kath?" (Cath is not my real name) Nagulat ako nung sinabi ng bestfriend ko yun at syempre naka ramdam ako ng hiya nun, hindi ko naman kasi sinabi :3 pero oo kunwari pako eh gusto ko din naman Hahahahha! So ayun nga nagpapicture ako sa kanya.After nun sobrang speechless ko nun,tulala nalang palagi parang ang High ko tapos sya yung drugs na sinisinghot ko (chaaar hahaha).


Pag -uwi ko ng bahay sobrang saya ko gustong gusto ko iupload yung picture namin kaso baka magalit yung Gf nya so ayun ginawa ko nalang wallpaper ng phone ko [?] .
So natapos yung 3rd yr. High School ko kahit papano may remembrance ako sa kanya.
Fourth year High School na kami and same School parin kami. Pumunta ako ng School para mag enroll kasama bestfriend ko at may sinabi saken ang bestfriend ko na lagi daw silang magkatext ni Mr. Handsome so ako naman nainggit pero hindi ko na din naman ganun kacrush sya. Enrollment Day yun nung hiningi ni Mr. handsome yung number ko sa bestfriend ko, syempre hindi nya naman ako kilala nun eh. So ayun nga nung binigay ng bestfriend ko yung number ko kay Mr. Handsam wala akong kagana gana nun katext sya kasi useless naman may Gf sya kahit sabihin mo pang makikipag kaibigan ka lang? Syempre pag-aawayan nila yun ng Gf nya. So ayun nag Focus ako sa pag-aaral nun.


7 Months na ang nakalipas nun di ko sya naiisip graduating na din kami nun .
Naisipan ko din mag Load kaya ayun nag Gm ako na kung sino pwedeng kantahan ako? Gustong gusto ko kasi na kinakantahan ako ng isang tao. Di ko alam na ganun pa din pala ang gamit ni Mr. handsome na number bigla akong nagulat nung nagreply sya na " ako kath tawagan mko kakantahan kita mamaya after kong maghugas ng plato " so ayun biglang ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko kasi hindi ko naman sya pinilit eh GM yun pero nagreply sya at syempre nagulat ako eh di nya naman ako kilala eh. So ayun naghintay ako hanggang 11 pm ng gabi dahil sabi nya magtetext daw sya pag tatawag nako pero wala pinaasa nya ko! Isa syang paasa! :3 so ayun natulog nalang ako. Kinabukasan may pasok na ulet nun pababa kami ng hagdan nun nang makita naming paakyat si Mr. Handsome bigla akong nanggigil sa kanya kasi pinag hintay nya ako ng 3 hours nung gabi ! Sa sobrang sama ng tingin ko sa kanya halos di nako makatingin sa hinahakbangan ko ng bigla akong nahulog sa hagdan ! Grabeeh nakakahiya pero thankS To God dahil di nya nakita yun, tinawanan lang ako ng dalawa kong bestfriend :3 pahiya onte nun.
Hindi ko na papahabain;


So ayun nga magkakatext na kaming dalawa nalaman ko nun break na daw sila ng gf nya syempre nanghihihinyang din ako girl crush ko kaya Gf nya nun. Tapos minsan sinasabi nya sa text na tuwing lunch daw punta kami sa oval magdadala sya ng gitara mag jajam daw kaming dalawa ( oo di ko na sabing napaka galing nya pala mag gitara) so nagdala nga sya ng gitara eh hindi ako nun naniwala baka paasahin nya nanamn ako, Nandun lang ako sa oval with my bestfriends pero di ako umasa ng sisiputin nyako maya maya nakita ko syang may dalang gitara tapos tumingin sya sakin , saglit lang yun na para bang nahihiya sya kasi kasama ko yung bestfriend ko tapos nakikita ko syang paikot-ikot sa oval, bigla ako nakaramdam ng hiya nun kasi akala ko di nya ko sisipotin after ng class. Nakauwi nako sa bahay tapos nagtext sya saken galit na galit sya ako naman sorry ng sorry kasi akala ko nga paaasahin nya lang ako, sabi nya papatawarin nya lang daw ako sa isang kundisyon
Me:ano naman yun?
Sya: dahil di mko pinuntahan kanina may dapat kang gawin
Me: ano nga po yun?
Sya: umakyat ka sa bubong tignan mo yung stars
Me: whaaat?? ( nagulat ako! Napaka unique talga ng lalaking toh akalain mo mahilig din pala syang mag star gazing syempre kinilig din ako)
Okay. Yun lang pala eh
Sya: andyan ka na ba?
Me: oo
Sya: ang ganda ng stars no?
Me: mas maganda ako no!
Sya: wow joker ka te? Mukha ka kayang witch
Me: hiyang hiya naman ako sa mukhang aso!

(So ayun nga! Simula nun tawag nya saken witch tapos tawag ko naman sa kanya aso)
Hanggang sa maging close na kami sa TEXT oo sa text lang kmi magka close pero di nya ako pinapansin sa personal ganun din ako kasi nahihiya ako. Gabi gabi na namin pinapanood ang stars kung may nawawalng star ba o kung may nagbago sa posisyon ng Moon. One day pinuntahan nya ako sa classroom ko para manghiram ng ballpen syempre pinahiram ko sya yung bagong bili ko pang ballpen Faber Castel yun na kulay green, nang pumunta sya sa room syempre inasar ako ng bestfriends ko "uuuyy! Kayo na?" Ganun agad agad. Syempre ako natatawa lang sa kanila at kinilig ako kasi pinansin nako ni Mr. handsome sa personal. Akala ko yun na yung Last na papansinin nyako sa personal mas naging close pa kami hanggang sa niyaya ko syang mag Church sa Cog dasma (syempre sabi kasi nila una mong dalhin sa simbahan yung taong mahal mo) so ayun nga nagchurch kami with His classmate tapos kasama ko pa yung bestfriend ko, syempre nag pray ako kay Lord na " Lord gustong gusto ko po ang lalakeng nasa tabi ko, sya na po ba yung the One for me? Perfect timing na po ba? " yan ang pinray ko kahit di ako nakaksigurado na may gusto sya saken.After naming magchurch naglakad kami pauwi,oo dalawa nalang kami andami naming pinag-usapan nagulat ako kasi bigla syang tumahimik at mayamaya sabi nya "kath pwede bang hawakan yung pingky finger mo?" (Grabeeeh gulat na gulat talaga ko sa sinabi nya at the same time kinikilig ako )

So ayun nga magkahawak na yung Pinky finger ko sa pinky finger nya din at magkahawak lang kami hanggang sa paghatid nya saken sa sasakyan ko pauwi biglang tumahimik kami bigla tapos biglang syang nag salita sabi nya "ingat ka pauwi kath i Love you" (medyo nahihiyang pagkasabi) syempre gulat na gulat ako nun kasi nag i love you sya saken nag smile lang ako tyaka sumakay na din pauwi.

After 3 months.

Sa 3 months na yun lagi kaming magkasama sa church, magkausap sa phone at hanggang umabot sa umamin na sya na Mahal nya nako
Tapos sinabi nya din na matagal nya na daw akong crush at lagi nya akong pinagmamasadan nung high school, syempre nagulat ako kasi ganun din ako sa kanya .
5 months na kami nun ng malaman ni mama na bf ko sya una ayaw ni mama pero wala na din nagawa si mama kaya pinayagan kami hanggang sa naging legal na kami sa family ko, sumali sya sa pageant nun Nanood ako pati yung family nya kaya dun sya nagkatime ipakilala ako sa family nya. Pinakilala nyako sa mama,papa,mga pinsan,sa mga tita nya at sa mga kapatid nya syempre sobrang saya ko! Ampogi ng papa nya! Parang foreigner ^____^ after ng araw na yun sobrnag saya ko kasi legal na kami sa parehong family namin.
After 9 months ng relationship namin nagkaroon ulet kami ng family problem at napagpalnohan na ni mama na umuwi na sa Iloilo for good na. At 16 days nalang ang natitirang araw na makakasama ko sya, syempre pinaglaban ko yun kah mama na ayaw kong umuwi pero wala kong magagawa yung 16 na yun araw araw lang sya napunta sa bahay namin sabi nya pa nga sa akin na " okay lang yan, susunod ako dun. Ikaw lang ang mamahalin ko at gusto ko maging asawa. Hintayin mko dun dahil papakasalan kita. Trust me once pero pag nasira ko yun wag ka na magtiwala ulet" habang ako umiiyak lang.

May 15, 2016
Yung araw na aalis nako pauwing iloilo, tapos ayun hinatid nya ko sa airport nakikita ko pa yung mata nya na naluluha, hanggang sa naka saky nako ng eruplano,. BABYE

PAgdating ko sa iloilo ganun parin yung gawi ko sa bahay yung laging nasa kwarto lang ako [????] pero ayuuun simula nung umuwi ako dito lagi na syang maikli magtext, parang laging naghihinala, selos at kahit na sa lalaking di ko naman kilala. Syempre ayoko ng ganun kasi ginawa ko na nga ang lahat eh ultimo kaklase kong lalaki kahit may tinatanong dinidedma ko na.

2 months of being LDR :Walaa! Walaaa na talaga ! Nagbabago na sya umabot pa yung time na sasabihan nya akong " pake mo ba? Buhok ko to" , "alam mo sa susunod na magtatampo ka di na kita susuyuin! Alam mo kung bakit? The more ka sinusuyo nagiging bossy ka na" .

Yes sinabi nya yun, samanntalang ang sabi ko lang naman wag sya magkulay ng buhok nya ng red at green kasi baka mapagtripan sya ng mga lalaki , lagi kasi syang napagkakamalang mayabang kasi habulin sya ng mga babae at yung mga boyfriend ng mga babaeng naghahabol sa kanya galit sa kanya. In short concern lang naman ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko that time, sinasabi ko yung totoong nararamdamn ko sa kanya pero sinasabi nya lang " and drama mo"

At ngayong habang tinatapos ko tong story na to habang umiiyak. Break na kami. Sa dahilang nagselos naman sya sa kaklase kong nagmessage saken number ko kasi yung binigay nya para di sya maghinala saken, hindi ko naman alam pinagsasabi ng Cm ko pero wala, BREAK NA KAMI NGAYON.

Ps: hindi ko inexpect na malungkot ang ending nito, kasi matagal ko na to sinusulat ang ending sana nito eh yung ang swerte ko sa kanya dahil yung Crush ko eh boyfriend ko na. [????] pero nag-iba yung ending [????] hindi ko akalain to.

Btw ang gusto ko lang naman ipahatid kung binabasa mo man to, ALAM MO YUN? KASI PINAGBIGYAN KA NI LORD NA MAPASAYO ANG MATAGAL MO NG HINAHANGAD PERO ANG LAHAT NG BAGAY MAY LIMIT, KUMBAGA HINDI PANG HABANG BUHAY. KAYA MAHALIN MO ANG SARILI MO, WAG MAG EXPECT KASI ANG LAHAT NAGBABAGO. Blessed parin ako dahil ang dami naming masasayang alaala.

Sorry kung hindi nyo ma gets ang story na to, gusto ko lang magshare,

Secret File Sender:

-Witch


Feb 04, 2018 at 6:13 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files