SECRET FILE: Na-Fall?


Mar 02, 2018 at 10:59 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon? Bakit pakiramdam ko tuwing malapit ka sa'kin nako-conscious ako sa mga galaw ko.

Kapag nawawala ka sa paningin ko, hinahanap ka kaagad ng mga mata ko.

Sumasaya ang pakiramdam ko kapag nararamdaman ko ang presensiya mo at higit sa lahat nagaguwapuhan na'ko sa'yo!

(Gwapo naman talaga kasi siya)

Anong nangyayari?

Tuluyan na ba akong 'nafall sa'yo?

Masyado na ba talaga akong naapektuhan sa mga pang-aasar nila sa'tin?

o sa ipinapakita mong motibo?

Ang gulo hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sabi nila gusto mo'ko, pero alam ko namang gusto mo lang ako at siya ang mahal mo at ngayon nasasaktan ako?

e dati naman hindi ganito ang nararamdaman ko.

Ang guloooo tulungan niyo akooooo, 'nafall na ba ako?

o guni guni ko lang to?

 

SECRET FILE SENDER:

Unknown 

Earth


Mar 02, 2018 at 10:59 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files