SECRET FILE: Sana Di Nalang Ikaw Ang Pinili Ko


Mar 29, 2018 at 4:57 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Hi my name is ky not my real name kung idescribe ako ng iba is maganda,matalino,mak­ulit,pero di ganun katangkaran.

 

Sabi nga ng iba eh "ideal girl daw"

Maraming nagkakagusto sakin (di sa pag mamayabang)

wala akong binabusted kasi kinakaybigan ko nalang tapos pinapakilala ko sa mga kaybigan ko wala naman kasi akong panahon sa mga ganyan noon eh.

Pero may naka m.u nako dalawa parehas yun iniwan ako.

Ansaket bes! kaya nga ayoko na eh hahaha .

May dalawang lalaki na nagtataka ako kahit na binusted ko ng maraming beses eh ayaw paring tumigil kakaligaw

itago nalang naten sa pangalang Nate at Sam napaka effort netong dalawang lalaki nato

ewan koba yung tipong nag kukumpitensya sila kapag flag ceremony eh maglalagay sila ng pagkain at kung ano ano sa bag ko.

Pero sinasauli ko ayaw naman nila basta napaka effort nila pero kahit minsan wala talaga kong naramdaman sakanila eh ewan koba

.To make the long story short e pinatigil ko sila at ngayon may sari sarili na silang jowa hanggang sa nagchat chat sakin tong ogag na lalaki nato si zeus not his real name.

Moreno sya,medyo matalino,may kaya,may takot sa diyos,singkit at higit sa lahat ang nagustuhan ko sakanya ay nakakatawa.

Sakin kase mas na teturn on ako sa mga lalaking nakakatawa kesa sa pogi lang ayun na nga balik tayo sa kwento (pero sya bat hindi bumalik) kaya nyako nakilala kase yung ate ko may nanliligaw sakanya si kuya tapos pinagmamalaki nyako kay zeus etong si zeus naman inadd ako aba nagchat kagad 2016 nun eh.

Feeling close sya edi diko pinansin dedma lang tapos 2017 nag chat nanaman sya mga bandang january medyo getting to know each other na pero mga bandang march natigil nanaman at nagchat nalang kami ulit is nung october tandang tanda ko nun napaka pabibo nya yung halos lahat ikokwento nya kahit diko tinatanong

nakakatawa sya as in yun yung daily routine namin magchat,kumain,matul­og ganun lang hanggang sa nagkahingian na ng number araw araw halos dina nga kami natutulog e kase lagi kaming magkausap sa madaling salita nafall ako sakanya

december 21 nun yon naging mag ka m.u na kami. Kase sabiko ayoko pa pag 18 pako mag 1st boyfriend eh.

Sabi nya naman "hihintayin nyako" kahit gano payan katagal naniwala ako.

Halos linggo linggo kaming gumagala kilala na nga sya ng friends and family ko eh.

Hanggang one day may nalaman ako.

Nagkabalikan na pala sila ng ex nya yung babaeng pinaka mamahal nya 1 years and 2 months sila pero 6 months na silang hiwalay anong laban kodun? eh bago palang kami.

Halos umiyak ako ng malaman koyun nagkita kami iyak sya ng iyak sorry sya ng sorry kaya pala hindi nya binibigay fb nya kase nagkabalikan na sila,kaya pala ayaw nyang pahawak phone nya kapag magkasama kami is nagkabalikan na sila ang sakit sobrang sakit sa dinami dami ng nanliligaw sakin sya yung ginawa kong ka m.u tapos ganto lang sya yung naging inspirasyon ko kung bakit ako honor tapos ayun huhuhu Napaka sakit talaga.

Yung ex nya tumawag sakin sabi magconference daw kami nila zeus (hindi alam ni zeus na nag uusap kami ng ex nya) So ayun kapag saturday pala dun sya sa ex nya at kapag sunday sakin sya ang gwapo nya diba?

mabalik tayo nag conference kami eto ang sabi mya sa ex nya "mahal kumain kana jan wag kang papagutom ah? sabi ng ex nya "opo bat patay cp mo" sabi nya naka airplane mode pero ako yung kausap nya nun yung answeet sweet nya sa ex nya ako nakikinig lang ansakit para kong pinag bagsakan ng langit at lupa.

Tapos sabi ng ex nya ako naman ang tumawag edi nag conference kami hindi alam ni zeus na kasali ex nya ganung ganun den ang sinabi nya saken katulad sa ex nya.

Tapos biglang sumabat ang ex nya "hoy punyeta ka kami ang kawawa dito" nagulat si zeus hindi nya alam kung anong gagawin nya yung ex nya putak ng putak ako tahimik lang palihim na umiiyak pinatayan ni zeus ang gf nya at ako ang tinawagan nya sorry sya ng sorry iyak sya ng iyak pinuntahan nyako nagkita kami sabi nya tinatakot daw sya ng ex nya na magpapakamatay kapag iniwan nya.

Nung nakaraan nakakausap ko pa si zeus pero ayaw tumigil ng ex nya dati na gf na nya ngayon kakatawag sakin ako ayoko ng gulo kaya ang ginawa ko blinock ko sa lahat si zeus.Sa fb sa sim lahat lahat.

NAPAKA SAKIT ALAM MOYUN WALA AKONH KAALAM ALAM HUHUHU KALA KO SYA NA KALA KO SYA NAYUNG MAGIGING 1st boyfriend ko

FRESH NA FRESH PATO GUSTONG GUSTO KONA SYANG KALIMUTAN PERO NAPAKA HIRAP

SANA PALA HINDI KONA LANG SYA PINANSIN

SANA MAKA MOVE ON AKO SA SAKIT NA NARARAMDAMAN KO NGAYON SYA LANG YUNG SINERYOSO KO

SYA LANG YUNG KAKILALA NG PAMILYA KO AT SYA LANG YUNG EEFFORTAN KO DAPAT ISUSURPRISE KO SYA NA YES KAMI NA KASO AKO ANG NASURPRISE SA NALAMAN KO.

DUN SA EX NI ZEUS NA GF NA NYA NGAYON ALAGAAN MO SYA AH?

ALAM KONH HIGIT PAYUNG KAYA MONG IBIGAY SA NABIGAY KO SAKANYA.WAG MO SYANG SASAKTAN PINAUBAYA KONA SYA SAYO BABYBABEKO?

SANA MAG SERYOSO KANA SAKANYA AKO NALANG ANG LALAYO MAHAL NA MAHAL KITA.

-- sa mga lalaki jan sana naman wag kayong mangangako kung babalikan nyo lanh ren pala ex nyo hays.

Nakakainis.

SECRET FILE SENDER:

*Meycauyan

-doraemon

 


Mar 29, 2018 at 4:57 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files