SECRET FILE: The Ultimate Confession Of A Head Nurse


Feb 11, 2018 at 9:13 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files

Some might hate me, some might love me because of what I do and how I do it. But yeah, I love and hate the situation as well. Quits lang. Haha. Mahaba to kaya kung wala kang tiyaga wag mo nang ituloy. Pero sympre reverse psych yan.

Bitter sweet tong trabaho ko. May mga pagkakataon na sinusumpa ko ang isang araw na tambak ako ng admissions, paperworks, ivf drips, schedule, reklamo ng staff, reklamo ng pasyente, reklamo ng supervisors, reklamo ng kaptibahay ng pasyente at kung anu – ano pang reklamo na meron ang mga tao sa paligid ko. May pagkakataon na sobrang enjoy na enjoy ako sa isang araw sa trabaho dahil sa pagkain, pagkain,pagkain at mas madami pang pagkain. Isa akong HEAD. NURSE. ,oo HEAD. NURSE. Shet.

Hindi madaling gumising ng maaga lalo na’t late ka na matulog. RIP to all the hours of sleep I’ve lost due to overthinking. Bago ako matulog, sinisigurado ko naka full blast ang volume ng telepono ko para rinig ko agad ang mga tawag o txts from the unit. Personalized ang ringtone ko para sa ICU para alam ko na kailangan kong magfocus at maging sa tamang ulirat at tumigil sa kahit anong ginagawa ko dahil ang tawag ng staff mula sa icu is a matter of life and death . Kaya yes, dala ko din ang phone ko sa CR. Minsan pag nakatulog na ko, bigla na lang ako magigising kasi may naalala ako, katulad ng – “ di pa tumatae si bed 5 pang day 5 na, pakirefer pala. ktnxbye” – tas di na ko makakatulog ulit.

Strikto ako sa oras. Alam yan ng lahat. Alam ng staff na ang 6:01, 10:01, 2:01 ay late na. Ang “ Maam, absent po ako kasi late po ako nagising” ay hindi magandang excuse para sa SL – hindi ko pipirmahan yang leave letter at lalong hindi magandang excuse ito para magstraight ang kaendorse. Bilang parusa, it’s either wala kang request for 1 rotation or worse, buong team, walang request ng 1 rotation. This is to teach na each second counts sa loob ng unit. We need to respect each other’s time. We need to be responsible for OURSELVES at sa pasyente.

Ayoko din ng makalat. Ayoko ng may nakasabit na kulangot ang pasyente dahil hindi pa napapalitan ang leucoplast ng NGT, ayoko din na magulong bedside cabinet, water dispenser na nilalanggam at mabaho, ang cr bowl na hindi clear white ang tubig, OF stains sa glasses ng pasyente, unorganized chart, makalat na nurse’s station, maputik na cr at lukot na linens. This is to teach pulidong bedside care. Makalat sa unit means toxic. Toxic na nga sa unit, makalat pa, mas mahirap kumilos. Kaya may araw, pagpasok ko pa lang ng unit, imbis sa pantry ako nadiretso para magbihis, naglilinis muna ako ng cr o kaya nagmomop ng sahig na maputik. Pinupunasan ang OF counter dahil amoy pinaghalo halong mga gamot, bubuhusan ang bowl kasi may secretions na tinapon, nagkikiskis ng sink, sisilip sa bawat basurahan kung tama ang pagdispose ng waste. Opo, naghahalungkat ako ng, masks, gloves sa basurahan lalo na sa mga pasaway na tapon po ng tapon ng gloves dun sa trash can bin namin malapit sa nurse’s station ( medyo matigas ulo nakasulat na nga for dry waste only) at ang mga ampoules at vials na tinatapon sa SHARPS CONTAINER, lakas makatigas ng ulo! Pagdating sa pantry, di pa ko magbibihis, kasi aayusin ko pa yung mga sapatos ng staff, pinagsasama ang pairs of shoes/ slippers para organized at di sila mahirapan magsuot, hinahanger ng maayos ang lab gowns para ready to wear na. BTW,nagtatahi din ako ng mga sirang labgowns na walang butones at nagtitiklop ng mga naiwang uniform ng staff sa pantry.

Toxic akong kaendorse lalo na’t alam ko na prior pa lang ay may nagawang kasalanan na ang staff. Asahan mo ang isang pasyente ay aabot ng oras na endorsement. O kaya minsan no questions asked. Minsan naguguluhan ako kung ano ba mas ok, yung di ako magtanong o magtanong ako, kasi madalas, navivibes ko yung takot sa kin pag endorsement, with or without questions. . Look, I follow rules pag buhay ang pinag- uusapan, di pwede ang short cut at hindi pwede ang pwede na. 70/50 on 2 consecutive takes without intervention still needs immediate referral, maliwanag? Being a head nurse is not all paperworks, so you know, psychomotor skills ang kailangan dito. You think and work at the same time.

Above all, this is how I discipline my team. I discipline them because I care for them too--- besides kung magkamali sila, ako nanaman sympre ang papatawag – oh well papel. Madahilan daw ako, laging may nasasabi because I know how it feels to be working inside the unit being kicked at, shouted at, staying for extended hours unpaid, handling toxic patients, it’s our job , yes I know,kaya I reason out, kaya may head nurse. To do all these. To stand up for the team. To motivate. We are leaders, not bosses.

Exag pero totoo. Sometimes pag nakaen ako sa labas pag off ko, iniiisip ko kung nakakaen ba kastaff ko sa icu kasi baka busy sila. Minsan nga nagweweirduhan na sila sa akin sa bahay kasi pag nagbaon ako, loot bag, di pwede for isang tao lang. Madalas kahit pinagdadasal ko na sana walang tawag o txt mula sa trabaho, napaparanoid pa din ako na di sila natawag o txt o kaya magreply man lang sa txt ko , baka kasi di sila ok, o nahihirapan sila sa duty o may kung ano na nangyare. Sometimes I skip family dinners, minsan nakakalimutan ko may okasyon pala sa araw na yun dahil nagstastay pa ko sa icu to reassure stable ang next shift. May mga gabi na nagiisip ako ng surprise sa kanila sa birthday nila. O kaya pag alam kong malungkot sila, I send them random texts to uplift them kahit ako mismo, di ko mauplift sarili ko pero I need to be positive for them, kasi bilang headnurse, they see me as a motivator.Pag nagagalit ako sa kanila, tinitiis ko ang bawat time na di sila pansinin dahil baka may masabi lang ako na di ok, but it’s hurtful, sagad sa bones. But I need to make them realize that being irresponsible is NOT okay.

I listen to my co staff’s insights, personal issues, goals, dreams, frustrations, mga crushes nila, kaaway, gusto nilang damit, bag, make up, mobile legends na ekalvu na yan, pati haircut nila mapababae o lalaki, inaalam ko, hindi dahil pakielamera ako pero bilang head nurse responsibilidad kong intindihin sila dahil wala nang ibang iintindi sa kanila sa loob ng unit kundi ako. Minsan nga feeling ko loka – loka na ko, kasi pag nadasal ako at naiisip ko ang icu, bigla na lang ako naiiyak, sa hindi ko alam na rason. When my staff cries, susmiyo, pinipigilan kong umiyak dahil kailangan ko magpakananay para sa kanila, dahil kailangan ako ng unit – kahit masakit ito sa panga. When they are happy, I feel relieved, feeling ko gusto ko pa magextend ng stay sa icu, hahaha , pero Lord, joke lang, gusto ko na po makaalis. haha. Pag alam ko agrabyado na staff ko, I sneak out of the unit to investigate. Sa mga nagsasabi na nunugod ako, rest assured, I do it professionally - Complete with protocols and my rebuttal speech. For short, I stand for my team, I stand for what shoud be done and what is right. And if my staff is wrong, I correct them, again, with the complete protocols and rebuttal speech hahah. Siguro kasi dahil parte na ito ng sistema ko – nang halos 1 dekada ng buhay ko. – ito ang buhay ko. Bilang headnurse. Bilang momsie ng unit ko. Kaya pasensya na po if sometimes I look and act grumpy. Sometimes the pressure is too much to handle, you see, I have downsides too, I am a normal person with an extraordinary job. So you now understand why I need to look at my best every time I am outside the unit. Every 30 minutes po ako magretouch, depende sa katoxican.

Again, you might still hate or love me for what I do. But being a head nurse is priceless. It’s a love and hate relationship. Hindi ko alam kung mamimiss ko ito o hindi. But one thing’s for sure, I love my unit and for whatever it takes, I will always fight for what is right for the unit, patients and my team – because Head nurses are leaders…not bosses.

SECRET FILE SENDER:

Katy Perry


Feb 11, 2018 at 9:13 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : Secret Files