[WATCH]: Boy Fakes Illness To Get Money, Mentioned Billy Crawford As His Sponsor


Apr 17, 2017 at 10:38 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : CCTV & Video Footages

Anyone who seen this guy around Makati and BGC? According to this guy, he needs money for his chemo that sums up to 100k. But when you find out his story, you may want to think twice should you help him or not.

Hi guys! Siya si Edward Pangilinan a.k.a Patricia Centino. Nameet ko siya today, April 13, 2017 sa Santuario de San Antonio Parish. Una inaalok niya kami ng friend ko ng kamote pero dahil hindi ako kumakain ng kamote, dedma. Umupo muna kami saglit sa labas ng Rustans malapit sa church nakita namin siya pabalik balik at inaalok kami ng kamote ulit para daw may pampagamot siya sa sakit niya. Na-curious kami, kaya tinanong namin yung about sa sakit niya. Habang nagkkwento siya sabi niya "sikat ako sa BGC", "kilala ako sa the fort" etc etc. Sabi ko "Gusto mo bang ivideo ko habang nagkkwento ka para malaman ng ibang tao at baka may makatulong sayo sa sakit mo?" Umoo naman siya. Kaya ako may video niya. Sabi niya samin ni Annsheerina (siya yung kasama ko that time) hanggang today nalang daw yung deadline ng bayad pampa chemo niya. 100k daw yun at meron na daw siyang 92k (70k bigay daw ni Billy Crawford at 20k sa tito niya galing at yung iba nanggaling sa pagtitinda niya ng kamote). Dun medyo nagtaka na ko pero di ko pinansin, pumasok nalang sa utak ko na "Pag di ko to tinulungan ngayon at may masamang mangyari sa batang ito, pagsisisihan ko habang buhay." At dahil gabi na yun naawa kami ng friend ko at binigyan namin ng pera kasi nga 8k nalang kulang tapos may dala siyang 25 kilos na kamote. Tinulungan namin siyang ibenta. Sa labas ng simbahan, sa labas ng rustans kahit san basta maubos lang yung kamote to the point na ako na nageexplain sa mga inaalok ko ng kalagayan ni Edward dahil parang hinang hina ang bata. Yung mga binentahan namin nagtataka kung bakit ang mahal ng kamote, yun nga sinabi niya din sa iba yung sakit niya. Tapos binentahan pa niya yung dalawang foreigner ng kamote. Di niya binigyan ng kamote pero binigyan siya ng pera. Siguro dahil sa awa na din. Yung isa 1k, yung isa 1.5k ang binigay. Hanggang sa naubos namin ang paninda niya. Pero bago maubos, humingi siya ng pambili ng tubig dahil uhaw na daw siya. Binigyan ko siya ng 100 tapos di na niya binalik sukli so naisip ko nalang baka nakalimutan. Hinayaan ko nalang. Eto na ubos na paninda pero yung pera kulang pa din ng 1k. Nag initiate ako na ako nalang gagawa ng paraan para makakuha siya ng ganung halaga pero sabi niya uuwi nalang daw siya at siya nalang bahala. Nagtaka ulit ako kasi sabi niya deadline ngayon ng payment pero uuwi na siya (sa Tondo bahay niya at sa QC ang hosp) bukas nalang ppunta sa Philippine Orthopedics. Habang naglalakad kami papauwi, nagkkwento siya na binigyan siya ni Billy Crawford ng iPhone6. Pinapili daw siya ni Billy kung motor or iPhone6 ang ibibigay ganun pero sinanla niya daw yung phone para pambili ng gamot niya, ang dating samin ng friend ko parang nanghhingi ng pangtubos kasi daw nagttxt na daw sa kanya si Billy eh sponsor niya yun baka daw nagaalala na sa kanya. So parang dun palang, di na kapani paniwala.

Pero sa kagustuhan namin tumulong dahil sobrang nakakaawa ang bata halos himatayin na nga eh, hinayaan nalang namin. Sinabi pa niya name ng doctor niya sa Philippine Orthopedics. Si Dr. Christian S. Potor daw. Habang nangyayari yun, kachat ko ang mommy. Sinabi ko sa mommy ko lahat kasi nga medyo di na kapani paniwala pero ayoko mang judge agad agad. Pagkauwi ko ng bahay sabi sakin ni mommy na tinawagan niya yung hosp at wala daw ganung doctor dun at walang Edward Pangilinan na nagpapagamot dun.

Then chineck ko yung fb messenger ko. Ang daming nagmessage na kilala nila si Edward at dati pa daw ito nanloloko. Pinalayas din daw ito ng nanay niya dahil nalaman ang pinag gagagawa tapos yung gabing yun pala nag bisita iglesia pa si Edward kasama ang mga kaibigan. Madalas daw ito manlibre sa mga kaibigan ayon sa kaibigan ni Edward na nagmessage sakin. Napatunayan ko naman na kilala niya si Edward dahil may mga pictures sila ni Edward.

So eto, pinost ko to hindi dahil para magpasikat or di ko to pinost para malaman ng ibang tao na nakatulong ako. Pinost ko to para maging aware ang mga tao na MASAMA ANG GINAGAWA NG BATANG ITO. Nanloloko siya ng tao. Nagmamakaawa siya para bumili ka ng kamote. Alam kong nasasainyo ang desisyon kung bibili, pero may mga ibang tao na nauuna ang awa kaya pag nalaman mo yung sitwasyon niya na gingawa niya lahat para mabuhay, mapapaniwala ka talaga at maawa ka. Mali. Mali. Mali.

May nagmessage din sakin na ninakawan din daw niya ang kagawad/kapitan (hindi ako sure) pero may ninakawan daw ito ng cellphone.

PS. Hndi naman masama magtinda ng kamote. Marangal na hanapbuhay yun. Ang masama lang nanloloko siya ng ibang tao para lang mabenta yung tinda niya at sobrang mahal ng kamote niya dahil ang dahilan niya pang gamot sa sakit niya. Biruin niyo sabi nung una 150 per kilo pero walang kiluhan. 15 piraso lang na maliliit na kamote ang binibigay sa mga bumibili eh iba iba naman size ng kamote niya.

INGAT ULIT. Wag magpaloko kagaya ko. Salamat po.

 

Posted by Pau Vislenio on Thursday, April 13, 2017 

Hi guys! Siya si Edward Pangilinan a.k.a Patricia Centino. Nameet ko siya today, April 13, 2017 sa Santuario de San...

Posted by Pau Vislenio on Thursday, April 13, 2017

Apr 17, 2017 at 10:38 PM
Posted by : Marie Li
Filed Under : CCTV & Video Footages